• Home
  • Fresh Scoops
  • Eula Valdes, magpapaalam na ba sa ‘The General’s Daughter’?

Eula Valdes, magpapaalam na ba sa ‘The General’s Daughter’?

Bibida si Eula Valdes sa upcoming teleserye ng Dreamscape na ‘Love Thy Woman’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/11/2019 1:03 PM
Eula Valdes, magpapaalam na ba sa ‘The General’s Daughter’?


Isang bagong teleserye ang kabibilangan ng aktres na si Eula Valdes na gaganap bilang isa sa lead characters sa Love Thy Woman.

Sa story conference, isa sa naitanong kung magpapaalam na ba siya sa kanyang karakter sa The General’s Daughter bilang si Corazon De Leon.

Kuwento ni Eula, isa din ito sa kanyang naging concern noong i-offer sa kanya ang bagong role.

“Hindi po! Tinanong ko rin po yun. Tapos sinabi na, ‘Kailangan po kayo kausapin ni Rondel (Lindayag, Dreamscape Creative Head).’ Sabi ko, ‘Ah bakit po? Mamamatay po ba si Corazon?’ ‘Hindi po!’” paglilinaw ni Eula.

Nakikita din ni Eula na malaking blessing ito sa kanya kaya naman inilatag niya ang kanyang mga schedule para sa kanyang dalawang Kapamilya teleserye.

“Wow! Siyempre excited ako! Sige pagurin nyo ako yung isa M-W-F (Monday-Wednesday-Friday) ‘yung isa T-TH-S (Tuesday-Thursday-Saturday) sige na opportunity ito grab lang ng grab,” masayang kuwento ni Eula.

Naibahagi pa ng aktres ang kanyang bagong talento na nadiskubre niya sa The General’s Daughter.

“Recently nalaman ko na sharp shooter ako (tawanan). Sabi ko, aba meron pala ako ibang puwede gawin! Sana bigyan nila ako,” proud na kuwento ni Eula.

Inaasahan na sa pagpasok ng buwan ng Mayo sisimulan ang shoot ng pinakabagong proyekto ng Dreamscape sa direksyon ni Jeffrey Jeturian.