Pia Wurtzbach willing mag-audition bilang Darna

Aminado si Pia Wurtzbach na bata pa lang siya ay pangarap na niyang maging isang superhero.

BY ANN MANHIT

FRESH SCOOPS

4/10/2019 8:30 AM
Pia Wurtzbach willing mag-audition bilang Darna


Photo credit: @piawurtzbach on Instagram

Aminado ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach na willing siyang mag-audition bilang Darna kung magkakaroon siya ng pagkakataon. 

May ilang netizens kasi na nagbigay na ng opinion nila na bagay ang beauty queen sa role matapos magbitiw ni Liza Soberano dahil sa ilang injury na natamo nito sa teleserye na Bagani, na nakaapekto sa kanyang training para sa superhero movie. 

"I'm very flattered they think I could play the role of Darna. That's an iconic role and a really sought after role. The role of a lifetime," sabi ni Pia sa panayam niya kay MJ Felipe.  

“Kung papalarin na ibibigay sa akin ‘yung role na Darna, tatanggapin ko. I will work hard, I will train, I will attend workshops. Ibibigay ko lahat ng lakas ko. But, of course, it’s ABS-CBN’s decision in the end to see who is the perfect fit to play the role," dagdag pa niya. 

Dream role na nga kung tawagin ito ni Pia dahil bata pa lamang siya ay pangarap na niyang gumanap sa papel ng isang superhero. 

"Oh Yeah, of course! If I find out that they’re open to have me audition, then I’m going to try. Why not?" sabi niya. 

Samantala, minessage din daw ni Pia si Liza nang malaman niya ang nangyari dito. Matatandaang naging magkaibigan ang dalawa matapos na gumanap ni Liza bilang si Pia sa life story nito sa Maalaala Mo Kaya matapos siyang koronahan bilang Miss Universe. 

"Nalungkot ako talaga kasi kaibigan ko na din si Liza eh. I remember talking to her about the movie Darna while we were doing ASAP in Australia, the preparation and how she was really excited about it. And yung feeling na, alam mo yun sa iyo na eh pero may things na di natin ma-control. I feel bad for her. And I also messaged her kasi I can imagine what it feels like," lahad niya.