• Home
  • Fresh Scoops
  • LOOK: John Lloyd Cruz’s touching encounter with an elderly fan

LOOK: John Lloyd Cruz’s touching encounter with an elderly fan

Sa post ng isang netizen sa Instagram noong Sabado, makikita ang ilang larawan ng aktor na masayang nakikipag-kwentuhan at yakapan sa nasabing fan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/10/2019 12:21 PM
LOOK: John Lloyd Cruz’s touching encounter with an elderly fan


Pinasaya ni John Lloyd Cruz ang isa nitong matandang fan matapos nilang mag-meet sa ‘di inaasahang pagkakataon noong nakaraang linggo.

Sa post ng isang netizen sa Instagram noong Sabado, makikita ang ilang larawan ng aktor na masayang nakikipag-kwentuhan at yakapan sa nasabing fan. Hindi nito tinukoy kung kailan o saan naganap ang kanilang pagkikita.

“Mama's favorite actor...John Lloyd Cruz,” sulat ng netizen sa caption.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Mama's favorite actor...John Lloyd Cruz #actor#johnlloydcruz

A post shared by chic (@curly_chic73) on

 

Ito’y sa gitna ng bali-balitang magbabalik showbiz na si John Lloyd matapos na mag-post si Piolo Pascual ng teaser poster galing sa isang shawarma brand na tila ay mukha ng nasabing aktor. Nakasulat sa imahe ay  “ang pagbabalik.”

Ani Piolo, “If that’s you, I’m happy coz [you’re] my brother. Welcome to the family.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

If thats you i’m happy coz ur my brother😊 welcome to the family!

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual) on

 

Maging ang dating love team partner ni John Lloyd na si Bea Alonzo ay napa-post din sa kanyang feed.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Poy,ikaw ba yan?

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

 

Ngunit hindi pa malinaw kung may katotohanan ba ang kanyang napapabalitang showbiz comeback. Matatandaang nag-take ng indefinite leave sa trabaho si John Lloyd noong Oktubre ng 2017.