• Home
  • Fresh Scoops
  • LOOK: Janella Salvador at Maricel Soriano in one movie project

LOOK: Janella Salvador at Maricel Soriano in one movie project

Handa nang sumabak sa drama si Janella Salvador kasama ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/10/2019 11:03 AM
LOOK: Janella Salvador at Maricel Soriano in one movie project


Photo credit: @RegalFilms on Twitter

Isang kaabang abang na movie project ngayon ang dapat abangan ng mga fans ng Diamond Star Maricel Soriano kasama ang bagong henerasyon ng aktres na si Janella Salvador.

Sa uploaded na larawan ng batikang entertainment columnist na si Jun Nardo, sumalang na sa unang story conference si Maricel at Janella kasama ang veteran movie producer na si Mother Lily Monteverde.

May working title na “The Heiress” ang pelikula na pagsasamahan ng Diamond star at ni Janella na ididirek naman ni Franco Mortiz.

Huling napanood noong 2018 si Maricel sa pelikulang “My 2 Mommies” ng Regal Entertainment.

Sa ngayon, bahagi si Maricel ng top rating Kapamilya serye na “The General’s Daughter."