• Home
  • Fresh Scoops
  • Dawn Chang thanks supporters amid ‘backstabbing’ controversy

Dawn Chang thanks supporters amid ‘backstabbing’ controversy

Yet the TV host and performer still refuses to address the ‘backstabbing’ controversy involving her GirlTrends co-member Chie Filomeno.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/10/2019 12:29 PM
Dawn Chang thanks supporters amid ‘backstabbing’ controversy


Photo credit: @thedawnchang on Instagram

Tikom pa rin ang bibig ni Dawn Chang sa isyu ng kanyang ‘di umano’y pagba-backstab sa kapwa GirlTrends member na si Chie Filomeno.

Ngunit may sagot ang TV host at performer sa kanyang mga fans na patuloy siyang ipinapagtanggol sa social media. Noong Lunes, nag-post si Dawn ng kanyang photo sa Instagram na ang caption ay ukol sa pag-iwas sa mga “negative” at “toxic” na tao.

Aniya, “Negative and toxic people will drag you down with their insults, criticism and put downs. Try not to stoop to their level. It is their own insecurities that drive their behaviour and it has nothing to do with you. Move on and away from that negativity.”

 

Marami sa kanyang bashers ang nag-react at sinabing siya mismo ang tinutukoy nito sa kanyang caption. Pero may iilan na dumipensa kay Dawn, kabilang na ang tila kamag-anak ng kanyang boyfriend na si Justin Cuyugan na nagngangalang Kiana.

Sabi nito sa comments section, “Keep doing what you do Ate Dawn. These bashers only heard what they were meant to hear so their opinion doesn't matter. You know, they're just dogs barking on the wrong tree.

“You are a strong woman, you're paving your way on your own without stepping on anyone. Wag mo silang gayahin, kailangan manira para lang maging maingay. Ang daming shows ng hindi kailangan magpakababa. You deserve all your blessings because you are a good person.”

“It’s okay Ki,” sagot naman ni Dawn. “People will believe whatever they want to believe in. I don’t have to justify anything. We know the truth!”

Noong nakaraang linggo, inamin ni Chie na nagkaroon sila ng ‘di pagkakaunawaan ni Dawn at ng isa pang GirlTrends member na si Erin Ocampo sa kanyang interview sa late night talk show na ‘Tonight With Boy Abunda’.

“Confrontation talaga. Kasi kailangan mo talagang i-confront yung taong namba-backstab sa ’yo,” ani Chie.

Nangyari raw ang insidente noong palagi siyang wala sa ‘It’s Showtime’ dahil sa ibang projects. “Naawa yung ibang GirlTrends at sinabi sa akin yung mga hearsay nila. Lahat ng pinagsasabi nila sa akin behind my back,” dagdag niya.

Ngunit nilinaw ni Chie na okay na raw sila ni Dawn, samantalang sila ni Erin ay hindi pa rin niya nakakausap ukol dito.