• Home
  • Fresh Scoops
  • Darren Espanto, ikinwento kung paano siya napiling mag-perform sa Singer 2019

Darren Espanto, ikinwento kung paano siya napiling mag-perform sa Singer 2019

Nakatakdang lumipad ang D’ Total Performer pa-China nitong Miyerkules ng gabi para sa nalalapit niyang performance sa Finals round ng Singer 2019.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/10/2019 7:09 PM
Darren Espanto, ikinwento kung paano siya napiling mag-perform sa Singer 2019


Photo credit: @starmagicphils IG

Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ni Darren Espanto patungkol sa kanyang papalapit na performance sa Finals round ng Singer 2019, isang sikat na singing contest sa China.

Noong Martes, kinumpirma ng kanyang management agency na Star Magic na makakasama ng D’ Total Performer sa stage ang Russian contestant na si Polina Gagarina para sa kanyang finale act. Ipapalabas daw ang nasabing episode itong darating na Biyernes, April 12.

Sa interview niya sa Push nitong Miyerkules, ibinahagi ni Darren kung paano siya napili na mag-guest sa Singer. “They [Singer team] contacted me through my record label which is MCA Music and they asked if I could guest sa Finals ng The Singer. I went to Changsha, where Hunan TV is, and I got to meet the director and the team behind The Singer. They asked me to sing a few songs. That was in January, so, nagulat ako na a week and a half ago they said na magge-guest nga ako sa Finals [round],” aniya.

Ikinwento rin ni Darren na nakausap niya si KZ Tandingan tungkol sa kanyang guest performance. Matatandaang sumali ang nakakatandang singer sa kaparehas na show noong nakaraang taon lamang. “Isa siya sa unang nag-react. Sinabi ko na na-meet ko ‘yung mga taga-The Singer, and she was so supportive of me. Sabi niya, ‘’Wag kang kakabahan. Alam mong marami kang pagdadaanan diyan.’ She was already giving me ‘yung mga Mandarin songs na parang bagay sa ‘kin, [na] dapat aralin ko na if ever. Until now, she’s just very supportive and excited for me as well,” ani Darren.

Thankful naman si Darren sa sunod sunod na blessings sa kanyang music career. Aniya, “I’m very happy and blessed at the moment sa lahat ng nararating ko sa career ko. It’s only been almost five years. Lahat ng pinapangarap ko dati, natupad na ngayon. I [still] hope to, of course, improve on my craft more and make more music for everyone to hear.”

Nakatakdang lumipad pa-China si Darren mamayang gabi, ngunit babalik din daw siya sa Sabado pagkatapos ng kanyang guesting para isa pang work commitment.