Vice Ganda to Calvin Abueva: ‘Miss me?’

Vice Ganda, na-hot seat sa sariling show nang matanong tungkol sa basketball player na dating na-link sa kanya.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

4/1/2019 8:49 AM
Vice Ganda to Calvin Abueva: ‘Miss me?’


Photo credit: @calvin.abueva.9465 on IG

Sa segment na “Tanong Mo Mukha Mo” ng Gandang Gabi Vice, di lamang ang guests na sina Bea Alonzo at Charo Santos ang nagulat kundi ang host na si Vice Ganda nang lumabas ang picture ni Calvin Abueva sa screen. 

Matatandaan na na-link si Vice Ganda sa basketball player noong nakaraang taon. 

READ: Calvin Abueva appears in Vice Ganda’s Boracay vlog

“Hindi naman siya kilala ni Ma’am Charo,” sabi ni Vice pero sumagot ang aktres at sinabing, “Kilala ko naman siya, do not underestimate me.” 

Una nang nagtanong si Bea para kay Calvin. “Ako isa lang. short but sweet…Bakit?” 

Ang tanong naman ni Charo para kay Calvin ay, “Calvin, may chance pa ba?” 

Hindi maipinta ang mukha ni Vice sa tanong ni Charo pero biglang may pahabol pala sa tanong niya. “Sandali, hindi pa ako tapos… na mabigyan ng jersey mo?” 

“Ahh… mabait po yan mamimigay po yan ng jersey, tatawag ko po yan sa kanya,” biglang sagot ni Vice.  

Napansin naman ni Charo ang kakaibang reaksyon ni Vice at tinanong niya ito, “Pero bakit yung reaksyon mo nung sinabi kong ... hindi ka ngumiti ha.” 

Natawa na lang si Vice at inamin nito na, “Kumulo yung sikmura ko… na-stress ako. Dinispepsia ako ng bongga.” 

Inamin naman ni Vice kay Bea na nag-uusap pa sila ng basketball player.  

Pero nang hingan naman ni Bea ng tanong si Vice para kay Calvin, ang sinabi lamang ni Vice ay, “Miss me?”