• Home
  • Fresh Scoops
  • Liza Soberano, may sagot sa basher na sumita ng kanyang pagbabakasyon

Liza Soberano, may sagot sa basher na sumita ng kanyang pagbabakasyon

Ani ng basher, "Sana makita ko ulit ang drive mo sa career mo." Basahin kung paano ito sinagot ni Liza.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/1/2019 4:16 PM
Liza Soberano, may sagot sa basher na sumita ng kanyang pagbabakasyon


Photo credit: @lizasoberano IG

Sumagot ang aktres na si Liza Soberano sa isang basher na kumwestiyon ng kanyang pagbabakasyon sa comment section ng kanyang Instagram post nitong Lunes, Abril 1. 

Ani ng netizen, "(Liza) Vacation is over na. Hope you focus now on Darna. You badly need to go back to the gym and re-train for stunts, martial arts etc. Sana makita ko ulit ang drive mo sa career mo. Nawawala ka sa focus." Tinag pa ng nasabing netizen sa comment si Monch Novales na handler ni Liza. 

Sagot naman ng aktres dito, "Who are you to tell me when vacation is over? My managers allowed me and so did my bosses. I’ve been working hard for my family since I was 12. I think I deserve the time I get off." 

Kamakailan ay nagbakasyon si Liza kasama ang boyfriend na si Enrique Gil sa Bali, Indonesia upang i-celebrate ang kaarawan nito. 

READ: Enrique Gil brings loved ones to Bali for his birthday