• Home
  • Fresh Scoops
  • Beauty Queen maker Jonas Gaffud, bids ‘Aces & Queens’ good-bye

Beauty Queen maker Jonas Gaffud, bids ‘Aces & Queens’ good-bye

Malaking bahagi si Jonas Gaffud sa naging tagumpay ng mga Pinay sa international pageant arena.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/1/2019 4:49 PM
Beauty Queen maker Jonas Gaffud, bids ‘Aces & Queens’ good-bye


Photo credits to the owner

Nagpaalam na ang kilalang beauty maker at pageant mentor na si Jonas Gaffud sa kilalang beauty camp na Aces & Queens.

Si Jonas ang kilalang trainor ng mga kinoronahan na beauty queens na sina Miss World 2013 Megan Young, 2016 Miss International Kylie Verzosa, at 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Jonas ang kanyang pamamaalam sa pageant camp, na kanyang naging tahanan sa loob ng 18 taon.

“I thank Aces and Queens, all the girls we have trained since 2001, everyone who has trusted me and above all, Filipino pageant lovers and supporters, without which we would not have achieved our successes in international pageantry,” bahagi ng post ni Jonas.

Pinasalamatan din ni Jonas ang iba pang pageant camps at mga tao behind-the-scenes dahil sa trabahong iginugol nila para mai-angat ang gandang Pilipina.

“Huge thanks to all camps, mentors, teams, groups, glam teams, designers for making the beauty pageant industry alive. I salute how the camps brought out the best in the Filipina. No one can take that away from them - their hardwork and dedication,” sabi pa niya.

Bahagi din ng pinasalamatan ni Jonas ang Binibining Pilipinas Charities Incorporated (BPCI) sa naging tiwala nito sa kanyang kakayahan sa loob ng 18 taon.

“And many thanks to local and international organizations especially Bb. Pilipinas Charities Inc. and the Miss Universe Organization. Let’s support our queens. We are Team Philippines after all. Mabuhay at maraming salamat,” pagtatapos ni Jonas sa post.

Hindi naman na dinitalye ni Jonas ang dahilan ng kanyang paglisan sa kilalang pageant camp.