Arjo Atayde on how he is as a boyfriend: ‘Clingy ako’

Arjo Atayde also said that he believes in the old school way of courtship with Maine.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/1/2019 2:00 PM
Arjo Atayde on how he is as a boyfriend: ‘Clingy ako’


Photo credit: @arjoatayde on Instagram (L)

Hindi naitago ang kilig sa mga momshie hosts nang magkwento ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde tungkol sa kanyang love life sa episode ng Magandang Buhay kanina, April 1. Aminado ang Bagman actor na "clingy" siya sa nililigawang si Maine Mendoza. 

"Clingy akong tao e. I love her (Maine Mendoza) company so much. It's always something I look forward to and I'm very thankful for," pahayag ni Arjo na kina-kilig naman ng studio audience.

Dagdag ni Arjo, old school din ang paraan niya sa panliligaw kay Maine. "Old school ako e. Kaya nga kanina pinag-uusapan namin ng kapatid ko, yung pananamit. Kasi I believe conservative is sexy," sabi ni Arjo. 

"I believe it is something serious," sabi pa ni Arjo na tinutukoy ang minsang pagpapakilala ni Maine sa kanya sa pamilya nito. 

READ: Maine Mendoza reveals Arjo Atayde is the first man she has introduced to her parents

READ: Arjo Atayde on posting photos with Maine online: “We want it private as much as we can”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My reason for being. Happy birthday to my main. ❤️

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde) on

Sa naturang episode din ng morning talk show ay sinabi ng lola ni Arjo na aprubado si Maine sa kanila. "Why not, I'm happy for him, as I said," ani ng lola ng aktor.

Samantala, patuloy na mapapanood si Arjo sa iWant digital series na Bagman at katambal ni Jessy Mendiola sa pelikulang Stranded na ipapalabas na sa mga sinehan simula April 10.