Allmo$t, sinabi kung paano nabuo ang kantang ‘Dalaga’

Kilalanin ang Allmo$t na kumanta ng trending song na “Dalaga.”

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/1/2019 8:57 AM
Allmo$t, sinabi kung paano nabuo ang kantang ‘Dalaga’


Sa Rated K, ipinakilala ang grupo sa likod ng kantang “Dalaga” na patok na patok ngayon dahil sa viral challenge na Dalagang Plipina challenge. 

WATCH: Pooh’s hilarious take on ‘Dalagang Pilipina’ challenge

Ang grupong Allmo$t ang kumanta nito at una itong napakinggan noong July 2018. Ang members ng Allmo$t ay sina Crakky, Russel, Clien, at Jom.

“Naisip ko siya kasi parang wala pa naman pong gumagawa ng ganung kanta na dine-dedicate sa mga Pinay. Syempre tayong Pilipino, mas gusto rin natin yung Pilipina yung makakasama natin,” sabi ni Crakky.  

Kwento naman ni Russell, hindi pa sila nakakagawa dati ng love song. “Kasi madalas ang tema namin sa kanta reality… kumbaga kung ano yung nangyayari sa araw-araw nating buhay… Hindi kami sanay gumawa ng love song,” lahad nito. 

Kaya nang marinig ni Russell ang kanta na sinimulan ni Crakky ay in-encourage niya ito. “Ngayon yung sabi ko sa kanya nung narinig ko… okay ‘to ah. Tol, ituloy natin ‘to, ‘wag mong sabihin na baduy. Tuloy natin to tapos maghanap tayo ng iba pang kasama,” sabi ni Russel.  

Sa Dalagang Pilipina challenge ginagaya ang imahe ng isang “dalagang Pilipina” na mahinhin, matipid ang ngiti at halos ‘di makabasag pinggan ang kilos.  

Ilan na sa mga artistang gumawa nito ay sina Miles Ocampo, Sharlene San Pedro, Kristel Fulgar, Pokwang, Pooh, K Brosas at Magandang Buhay hosts Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

DALAGANG PILIPINA CHALLENGE

A post shared by kristelfulgar (@kristelfulgar) on