Teddy Corpuz reacts to JK Labajo cursing during a concert

For Rocksteddy vocalist Teddy Corpuz, it is not cool to curse at a concertgoer.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/9/2019 3:58 PM
Teddy Corpuz reacts to JK Labajo cursing during a concert


Photos credit: Juan Karlos Labajo FB

Naging mainit ang usapan matapos maging viral ang pagmumura ni JK Labajo sa Rakrakan Festival 2019 sa Makati Circuit Grounds noong March 1. At kaugnay dito, hiningan naman ng press ng komento ang komedyante at lead singer ng bandang Rocksteddy na si Teddy Corpuz.

Read: JK Labajo speaks up after getting bashed over cursing incident: ‘Sobrang daming bastos at walang modo’

Para sa kanya, hindi siya umano sang-ayon sa ginawa ni JK sa stage.

“Kung sa akin gawin yun, tawanan ko na lang sabihin ko, ‘Uy, thank you, ano, gusto mo ba kakanta pa ako ng kanta niya?" pahayag ni Teddy sa PEP. 

"Sa akin kasi, hindi siya cool. Para sa akin, kailangan may respeto pa rin sa iyo ang mga tao, and you would not gain the respect of other people, especially your listeners, kung minumura mo sila o pinipeke mo lang sila," dagdag pa niya.

Samantala, first time na maging lead actor ni Teddy sa kanyang bagong pelikula na Papa Pogi ng Regal Films kung saan kasama niya si Myrtle Sarrosa at Donna Cariaga.