• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto, sinabing ang pagpapatayo ng bahay ang pinaka-una niyang investment

Julia Barretto, sinabing ang pagpapatayo ng bahay ang pinaka-una niyang investment

Ipinaliwanag din ni Julia Barretto ang dahilan ng kanyang biglaang bakasyon sa Mexico kamakailan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/9/2019 12:09 PM
Julia Barretto, sinabing ang pagpapatayo ng bahay ang pinaka-una niyang investment


Photo credit: @juliabarretto IG

Sa birthday special na episode ng Magandang Buhay kahapon March 8, para kay Julia Barretto, nagbigay ng update ang aktres sa kanyang pinapagawang bahay ngayon.

Inamin ni Julia na maging siya ay napapamahal sa presyo ng pagpapatayo ng bahay, lalo pa't nasa 85% nang itong tapos. "Pero you know, at the end of the day, it's an investment and it will be good in the long run," pahayag ni Julia sa mga momshie hosts na bumilib sa kanya dahil sa edad na 22, ay naging prayoridad na ang pag-iinvest sa sariling bahay.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Almost there 🏡

A post shared by JB (@juliabarretto) on

"'Yan ang first investment ko, na lot," dagdag ni Julia.

"Actually dapat after ng debut, magpapatayo na ako ng house, but medyo nawala ako sa focus after nung debut ko. So hindi na natuloy, and then one day when everything was okay again, my mom reminded me na I have a lot, and maybe puwede na kami magpatayo, so it was her idea," kwento ni Julia tungkol sa biniling lote na malapit lang sa tinitirahan ngayon ng ina na si Marjorie.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

confidently lost

A post shared by JB (@juliabarretto) on

Sa parehong episode din ay ipinaliwanag ni Julia ang dahilan ng biglaang pag-babakasyon sa Mexico, noong nakaraang buwan.

READ: Julia Barretto on recent getaway: “I cried nonstop for a while because I knew I was getting out of my comfort zone”

LOOK: Julia Barretto is living her dream in Havana

"That was my choice, and I knew na gusto kong mapag-isa muna. Although kasama ko yung pinsan kong babae, it gave me more time to really reflect and breathe, yun ang pinaka favorite na term ko sa buong trip, yung 'huminga,' yung mahanap yung sarili," paliwanag ni Julia.

Naging usap usapan ang nasabing Mexico trip ni Julia, dahil sa maraming magagandang reaksyon mula sa mga kaibigan niya sa showbiz, tulad nila Liza Soberano, Janella Salvador at iba pa. 

LOOK: Why did Liza Soberano tell Julia Barretto to ‘stop’ sharing her vacation photos?

Aabangan si Julia sa bagong pelikula kasama ang ka-loveteam na si Joshua Garcia, sa Block Z. 

LOOK: JoshLia pose in bloody faces for new zombie film, ‘Block Z’