John Arcilla, tinawag na ‘Tiktok King’ ni Boy Abunda

John Arcilla, gagawa pa ng Tiktok videos dahil sa maraming napapasaya dahil dito.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/9/2019 11:57 AM
John Arcilla, tinawag na ‘Tiktok King’ ni Boy Abunda


Panibagong John Arcilla ang nakilala sa panayam niya sa King of Talk sa Tonight with Boy Abunda nang mapag-usapan ang milyun-milyong taong napasaya niya dahil sa video application na Tiktok.

READ: John Arcilla's lip-synch videos hit 15M views

Ani John, meron nang 23.7 million views ang ginawa niyang lip synch videos sa Tiktok. “Hindi ko talaga ine-expect. Kasi nagkasakit lang ako, wala lang akong magawa tapos biglang nag-viral na kagad, lalo na yung kay Vice Ganda,” ani John. 

Pagbibiro pa niya nang tanungin ni host Boy Abunda kung maglalabas muli siya nang panibagong video, “naghihingi na sa akin ang tao, sabi ko naging responsibility na ‘to a. Sandali lang.” 

Pero ang totoo, naantig si John sa mga taong napapasaya niya dahil sa Tiktok videos niya. Kuwento niya, “ang ganda-ganda ng mga sinasabi nila, from different people all over the world. Mga Pilipino sa iba’t ibang bansa, nagte-text sa akin.”

Sabi diumano ng isang nag-message kay John, “napapasaya niyo po ako, kakatapos ko lang pong mag-chemo pero ngayon po tawa ako nang tawa.”

Meron din daw galing sa trabaho na napapapawi ang pagod dahil kay John. “Kakauwi ko lag po sa trabaho. Pagod na pagod po ako ikaw kaagad ang nakita ko. Sobrang tawa, nakaka-good vibes po kayo,” paglalahad ni John. Dagdag pa ni John, “paano ka naman hindi gagawa. Sa totoo lang nadudurog ang puso ko.”

Dahil nga hindi lang bilang seryosong aktor patok si John, kundi ngayon bilang komedyante na rin, binansagan siya ni Tito Boy bilang “Tiktok King.”