• Home
  • Fresh Scoops
  • Hashtag Kid Yambao, okay lang sa kissing scene sa kapwa lalaki?

Hashtag Kid Yambao, okay lang sa kissing scene sa kapwa lalaki?

Hashtag Kid Yambao nanatiling single ngayon para maka-focus sa career.v

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/9/2019 11:20 AM
Hashtag Kid Yambao, okay lang sa kissing scene sa kapwa lalaki?


Photo credit: @hashtag_k1d IG

Bida na rin sa indie film na Two Love You ang Hashtags member na si Kid Yambao. Siya ang leading man nina Yen Santos at ng komedyanteng si Lassy Marque na very much identified bilang isa sa mga sidekick ni Vice Ganda.

Ayon kay Kid, malaking bagay na naging bahagi siya ng grupong Hashtags na napapanood sa It’s Showtime sa unti-unting pagbabago ng buhay niya financially.  Aniya, “Maraming nabago. Nakakatulong na ako ngayon sa pamilya ko, sa mga gastos. Napapag-aral ko na rin yung mga kapatid ko, at may kaunti na rin akong savings. Nakakatuwa rin sa sarili, at yun naman talaga ang gusto ko.”

Ibinahagi rin ni Kid ang isang matinding dahilan ng kanyang pagsisikap sa showbiz.  “Ang pinaka-main goal ko talaga, ang mapauwi ko yung lola ko from the States.  Kasi nandoon pa siya, eh, nagwo-work,” lahad niya.

Nagsimula nang magsyuting sina Kid, Yen, at Lassy ng Two Love You na produced ng OgieD Productions, Inc. in cooperation with Lion Wolf Productions. The film is under the direction of  Benedict Mique.

What if magkaroon sila ng kissing scene ni Lassy sa movie, handa ba siya?

“Hindi pa namin yun napapag-usapan ni direk, pero kung sakaling meron, okey lang, para lang ‘yun sa trabaho,” reaksyon ng binata.

Kahit torrid kissing scene okey lang ba sa kanya?

“Bahala na kung ano yung maging desisyon ni direk. Saka siyempre, may hinahabol kaming image,” tugon niya.

Nagbigay naman ng reaksyon si Kid sa iniisip ng iba na nakikipagrelasyon siya sa bading in real life na tulad din ng role niya sa pinagbibidahang pelikula. Rason niya, “Okey lang naman kung yun ang isipin ng mga tao, wala akong magagawa. Kung ano yung napanood nila, ‘yun ang iisipin nila na ginagawa ko. Pero hangggang sa pelikula lang naman yun.”

Hindi rin daw niya na-experience ang magkaroon ng dyowang bading. “Hindi, eh. Straight ako, eh. Parang malabo,” giit pa niya.

“Wala naman akong against sa mga pumapatol sa bading, pero ako, hindi ko kaya, eh,” dagdag pa niya.

Eh, kumusta naman ang kanyang love life?   “Wala akong girlfriend ngayon. Yung huling girlfriend ko, two years ago. Hindi ko muna iniisip magka-girlfriend kasi marami akong ginagawa,” sagot niya.

Pero aminado ang binata na hindi naman zero ang kanyag sex life. “Oo naman, may sex life ako. Anong ginagawa ng mga kamay ko? Ayan nga, puro paltos na siya, eh,” nakangiti niyang pahayag