• Home
  • Fresh Scoops
  • Eric Tai, gustong maging singer ang anak katulad ni John Legend

Eric Tai, gustong maging singer ang anak katulad ni John Legend

Eric Tai at Rona Samson, maraming pinagdaanan bago dumating si baby Legend

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/9/2019 11:59 AM
Eric Tai, gustong maging singer ang anak katulad ni John Legend


Image credit: eruption23 IG (L) and johnlegend IG (R)

Sa ulat ng TV Patrol, pitong taon hinintay ni Eric Tai at Rona Samson ang miracle baby nilang si Legend.

LOOK: Eric “Eruption” Tai proudly shares photos of his newborn son Legend

Ayon sa ulat, maraming pinagdaanan ang mag-asawa bago nabuo si Legend sa pamamagitan ng In Vitro Fertilization. Kuwento ni Rona, “We only had one embryo. Isa lang ang nabuo and that’s him, si Legend. That’s why Legend.”

Kuwento pa ni Rona, “In 2014, I had a miscarriage…” Dagdag pa ni Eric, nagkaroon din ng ectopic pregnancy si Rona noong 2015.

Paliwanag ng mag-asawa sa kondisyon ni Rona, “kaya hindi kami maka-conceive naturally ng baby kasi wala na akong fallopian tubes.”

Bukod sa pagiging miracle baby ni Legend, may isa pang rason kung bakit ito ang pangalan niya. Ito daw ay dahil gusto ni Eric maging singer si Legend katulad ni John Legend. Ani Eric, “that is also one of the reasons why we love the name Legend. Because of John Legend.”