• Home
  • Fresh Scoops
  • Yen Santos, ipinaliwanag ang pagpahinga niya mula sa social media

Yen Santos, ipinaliwanag ang pagpahinga niya mula sa social media

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/8/2019 12:17 PM
Yen Santos, ipinaliwanag ang pagpahinga niya mula sa social media


Kasabay nang nalalapit na pagtatapos ng hit Kapamilya series na Halik, time-out muna ang aktres na si Yen Santos sa social media para tutukan ang kanyang karakter bilang si Jacky.

Kuwento ni Yen, isa ang Halik sa dahilan kung bakit mas pinili niya na mag off muna sa kanyang social media accounts.

“Nagpahinga lang po, temporary lang kasi parang everyday wala na akong ginawa. Parang doon na umiikot ang mundo ko (social media). Pag gising ko, check agad ng social media. So parang nagkaroon lang ako ng time for myself at sa ibang bagay, pero babalik din ako soon,” kuwento ng Kapamilya actress sa naging panayam sa kanya.

Aniya, isa din sa mga iniiwasan ni Yen ngayon ang mga pumupuna sa tila pag doble umano ang kanyang timbang ngayon.

Aminado si Yen na apektado siya sa nga negatibong komento na ito.

“Yes naaapektuhan ako doon, siyempre sinasabihan din po kami e, so parang kailangan namin maging conscious sa lahat ng kinakain namin. So ako every time na mayroong taping, mayroon akong sariling food, nagdi-detox ako,” pag amin ng aktres.

Paliwanag ni Yen, “Slim ako in person pero sa TV, yes nag-gain ako ng weight,” sambit pa niya.

Pagdating naman sa pag handle niya sa mga bashers, ang pag lie-low sa social media ang kanya umanong nakikitang paraan.

“Kasi ang bashers andyan naman yan e, parang kahit saan ka lumingon meron e (laughs) mula pa nang magsimula ako talagang meron na, pero hindi ito dahil doon. Parang mas makagawa lang ako ng mas maraming bagay,” pahayag pa ni Yen.

Sa ngayon, abala si Yen at iba pang mga bituin ng Halik sa kanilang nalalapit na pagtatapos ngayong Marso.