• Home
  • Fresh Scoops
  • TNT Boys, hindi malungkot sa pagkatanggal sa ‘The World’s Best’

TNT Boys, hindi malungkot sa pagkatanggal sa ‘The World’s Best’

TNT Boys, pinakalma ang mga netizens na nagalit sa pagkatanggal nila sa ‘The World’s Best’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/8/2019 10:51 AM
TNT Boys, hindi malungkot sa pagkatanggal sa ‘The World’s Best’


Sa ulat ng TV Patrol, hindi diumano malungkot ang TNT Boys sa pagtatapos ng journey nila sa The World’s Best. Pero pag-amin ng trio na sina Mackie Empuerto, Keifer Sanchez, at Francis Concepcion, nalungkot din sila ng “konti.” 

READ: ‘The World’s Best’ judge tells TNT Boys: ‘I think we’re all witnessing superstars’

Hindi na nga umabante sa kompetisyon ang trio dahil sa hindi sila nakalusot sa battle rounds ngayong linggo. Ganunpaman, panay ang pasasalamat ng tatlo sa mga supporters nila. Ani Mackie, “sa mga patuloy pong sumusuporta sa amin, maraming salamat po. Na-appreciate po namin yun.” 

Ayon naman kay Francis, “marami pong chances, sobrang nagpapasalamat po kami kasi sobrang bilib po sila sa mga Filipino. Sana magtuloy-tuloy pa po ang pag-support niyo sa amin. We will work hard for you po.”

Pinakalma din ng tatlo ang mga netizens na umalma sa pagka-eliminate ng grupo sa kompetisyon. “Wag po kayong mag-alala kasi hindi pa po yun ang huli. Marami pa po kaming maipapakita sa inyo. Hindi lang po sa World’s Best kundi sa iba’t ibang show pa po,” ani Mackie. 

Nagpasalamat din si Mackie kay Pops Fernandez na isa sa mga Wall of the World judges, “thank you po Wall of the World po, isa na po dyan si Miss Pops po dahil binigyan niya po kami ng lakas po para bigyan po ng magandang performance po ang mga Filipino.” 

Hindi man mapapanuod sa The World’s Best, dagsa naman ang blessings na patuloy natatanggap ng tatlo dahil meron silang world tour, bagong recording at regular na rin silang mapapanuod sa ASAP Natin ‘To