• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo at Daniel Padilla, kasama ni Kuh Ledesma sa isang benefit show

Sarah Geronimo at Daniel Padilla, kasama ni Kuh Ledesma sa isang benefit show

Malaki ang pasasalamat ni Kuh Ledesma sa oras na ibinigay ng kanyang mga special guests.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/8/2019 12:10 PM
Sarah Geronimo at Daniel Padilla, kasama ni Kuh Ledesma sa isang benefit show


Photo credit: @isgfan on Instagram (R)

Extra special ngayong taon ang selebrasyon ng kaarawan ng Pop Diva na si Kuh Ledesma.

Kasunod ito ng kanyang inihahandang free concert na The Promise na gaganapin sa Mall of Asia Arena ngayong darating na March 16.

 

Dito, inaasahan na makakasama ni Kuh ang bigating mga guest na magpe-perform sa kanyang free birthday concert gaya nina Alex at Toni Gonzaga, Erik Santos, Isabella Gonzalez, Eddie Mesa, Christian Bautista, Tim Pavino, Daniel Padilla at Sarah Geronimo.

Kuwento ng Pop Diva hindi naging mahirap ang mapa-oo ang kanyang mga bigating bisita nang libre na kanyang mga kapatid sa pananampalataya.

“They will sing, they will all perform with their short sharing how the savior Jesus Christ helped them a lot,” kuwento ni Kuh sa naging panayam ng PUSH at ilang entertainment press.

Sa pag-pili naman ng mga performer, kuwento ni Kuh, “We chose them, because they were all bible believers, this show is inspirational. Although we inspire them, with inspirational performances of pop music and some popular gospels also,” aniya.

Sa huli, maagang pinasalamatan ni Kuh ang kanyang mga special guest na pumayag na para sa kanilang inihahandang concert.

“I am so thankful foremost. We prayed about all of them na despite their busy schedules pumayag sila, so nagpapasalamat kami sa lahat ng aming guests. All of them are special,” pahayag ni Kuh.