• Home
  • Fresh Scoops
  • Ricardo Cepeda bibigyang buhay ang kadakilaan ni Jose Abad Santos

Ricardo Cepeda bibigyang buhay ang kadakilaan ni Jose Abad Santos

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/8/2019 12:03 PM
Ricardo Cepeda bibigyang buhay ang kadakilaan ni Jose Abad Santos


Screenshot from Philwar Memorial Foundation YouTube Channel

Labis na pananabik ngayon ang nadarama ng character actor na si Ricardo Cepeda sa nalalapit na pag papalabas ng biopic ng former Chief Justice of the Philippines na si Jose Abad Santos.

Si Ricardo ang gaganap bilang si Abad Santos na naging hukom noong panahon ng World War II.

Sa naging panayam ng entertainment press sa kanyang endorsement sa SPV Top corporations, masayang ibinahagi ni Ricardo ang kanyang pananabik para sa nalalapit na pagpapalabas ng kanyang proyekto na The Honor: the Legacy of Jose Abad Santos.

“This is to highlight the legacy of the Filipino hero na na-overlook na natin and isa dito si Jose Abad Santos. Makikita naman natin na ang daming street, ang daming paaralan and nasa 1000 pesos bill pero bakit parang hindi natin kilala?” kuwento ng aktor sa naging panayam ng entertainment press.

Kuwento pa niya, dumaan sa masusing pag-aaral ang pagsasaliksik sa bawat detalye ng buhay ni Jose Abad Santos para mas maintindihan ito ng bagong henerasyon ngayon.

“This film is well-researched to the point na galing pa sa US War department ang ilan sa mga information na nakuha dahil sa naging contributions niya sa Pilipinas,” aniya.

Inaasahan na ngayong taon gagawin ang commercial screening The Honor: the Legacy of Jose Abad Santos. Kasama din sa pelikula si Alex Medina na gumanap bilang batang Jose Abad Santos.