• Home
  • Fresh Scoops
  • READ: Pinoy Big Brother releases a statement following the controversial episode, #PBB8TheKiss

READ: Pinoy Big Brother releases a statement following the controversial episode, #PBB8TheKiss

PBB OTSO management says it was not intended to offend anyone.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/8/2019 12:37 PM
READ: Pinoy Big Brother releases a statement following the controversial episode, #PBB8TheKiss


Ilang araw matapos ang kontrobersyal na episode ng Pinoy Big Brother OTSO, kung saan ay napanuod ang aktong halikan ng dalawang housemates na sina Lou Yanong at Andre Brouillette, ay naglabas naman ng statement sa social media ang naturang programa. 

Sa announcement na inilabas kahapon, March 7, humingi ng paumanhin ang management sa mga manunuod at ipinaliwanag ang intensyon ng naganap na pool party.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

🔵ANNOUNCEMENT🔵

A post shared by @ pbbabscbntv on

 

"Pinoy Big Brother OTSO apologizes to the viewers who may have been offended by scenes in the 4th of March 2019 episode, showing the housemates having a pool party. 

"The party was meant to strengthen the bond of the housemates and was not intended to offend the viewers' sensibilities.

"As a reality show, PBB OTSO shall continue to offer its viewers lessons through real-life experiences of the housemates," pahayag ng PBB management. 

 

Ang #PBB8TheKiss episode na nag-trending noong gabi ng Lunes ay umani ng iba't-ibang reaksyon mula sa netizens sa social media, matapos mapanuod ang dalawang housemates na lasing at naghahalikan sa swimming pool.

READ: Halikan nina Lou at Andre sa PBB, umani ng iba’t-ibang reaksiyon mula sa mga netizens

Maging ang PBB ex-housemate na si Wendy Romero, ay nagbigay ng kanyang opinyon sa isyu. 

READ: Former PBB housemate Wendy Romero defends Lou Yanong