• Home
  • Fresh Scoops
  • Maymay Entrata, ibinahagi ang hugot sa bagong music video ng ‘Kakayanin Kaya’

Maymay Entrata, ibinahagi ang hugot sa bagong music video ng ‘Kakayanin Kaya’

Nanginig ang mga luha sa mata ni Maymay Entrata habang ikinukuwento ang inspirasyon sa bagong awitin.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/8/2019 12:43 PM
Maymay Entrata, ibinahagi ang hugot sa bagong music video ng ‘Kakayanin Kaya’


Photo credit: @maymay on Instagram

Magkahalong emosyon ang naramdaman ng Kapamilya star na si Maymay Entrata sa naging launching ng kanyang bagong single sa Star Music na “Kakayanin Kaya”.

Isa sa mga naging tanong kasi kay Maymay kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip habang isinu-shoot ang kanyang bagong music video.

“Nire-relate ko po siya doon sa kuwento ni Lolo at Lola ko, sila kasi ‘yung may forever tapos... Ayaw ko na (naiiyak),”

Kuwento pa niya, ang magandang love story ng kanyang Lolo at Lola ang isa sa may malaking parte sa kanyang hugot sa music video.

Sa kuwento ng love story ng Lolo at Lola ni Maymay, pinasalamatan niya ang mga ito.

“Buti nalang kasi hindi ako mabubuhay,” aniya.

Isa pa sa hinangaan ni Maymay sa kanyang Lola ang naging pag panaw ng kanyang Lolo. 

Matatandaan na namayapa ang Lolo ni Maymay noong 2017 habang nasa loob pa siya ng Pinoy Big Brother house.

“Tapos noon, isa sa kinaya pa ni Lola ko ‘yung nawala na ang lolo ko, kinaya niya.. yun po ang kinaya niya yun po ang hugot ko sa kanta,” pahayag pa ni Maymay.

Ngayong Marso 9, mapapanuod ang official music video ng kanyang bagong single kasama si Edward Barber.

Sa huli, umaasa si Maymay ang mainit na pagtanggap ng kanyang supporters sa kanyang bagong single sa ilalim ng Star Music.