• Home
  • Fresh Scoops
  • Kiko Estrada on Devon Seron: ‘She’s hope for me being a better person.’

Kiko Estrada on Devon Seron: ‘She’s hope for me being a better person.’

Kiko Estrada, inaming exclusively dating sila ni Devon Seron.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/8/2019 10:57 AM
Kiko Estrada on Devon Seron: ‘She’s hope for me being a better person.’


Photo credit: @ devonseron on Instagram (R)

Sa pakikipag-usap niya sa King of Talk sa Tonight with Boy Abunda, tahasang inamin ni Kiko Estrada na dumaan siya sa dark phase. Ani Kiko, “I quit school. Hindi ko tinapos. I wanted to act.”

May kinalaman ito sa pagkawala ng kanyang Lolo Paquito Diaz at ang pressure na naiwan sa kanya nang sabihin ni Paquito na “ikaw ang papalit sa akin.” Dahil diumano dito ani Kiko, “I had to throw myself into character… I have to be good… The pressure ate me up. I was in this dark phase, hindi mo ako matinong makakausap.”

Kasama sa dark phase na ito ang “excessive” drinking. At aminado si Kiko na gumamit din siya ng drugs pero hindi daw regular. 

Nang tanungin kung paano niya nalampasan ang phase na ito, ani Kiko ay, “I pray everyday. And of course I met someone that showed me purity and showed me there’s hope in all this chaos. There’s this tiny dot of light and I just somehow saw it and I never took my eyes off that dot.” 

WATCH: Kiko Estrada on his transfer to ABS-CBN: "I just go wherever the good roles are"

Nagsimula diumano ang dark phase ni Kiko noong siya ay 19 years old at nagtagal ito ng tatlong taon. “A good three years. Ate me up, I thought I was going to kill myself,” kuwento niya.

Hindi din daw siya nag-seek ng medical help dahil ayaw niyang malaman ng ina niyang si Cheska Diaz. “I didn’t want my Mom to know I needed it… Because I didn’t want her to know. And I didn’t want her to know that her son is dealing with this.” 

Hanggang ngayon ay hindi pa daw napapatawad ni Kiko ang kanyang sarili. Pero aminado si Kiko na ang ilaw na nagbigay pag-asa sa buhay niya ay si Devon Seron at ang kanynag ina. Ayon kay Kiko tungkol kay Devon, “we met at my first workshop and years passed and we saw each other in a show I did.”

READ: Kiko Estrada has a warning to those who will hurt Devon Seron's heart

Matapos daw nito ay naging magkatrabaho sila sa Pwera Usog at sa Walwal kung saan, “we formed this rapport that was…”

Pag-amin pa ni Kiko, “I courted her for a good three months so now we’re dating. Exclusively, of course.” 

Dagdag pa ng binata tungkol kay Devon, “she’s hope for me being a better person. She’s hope for me reaching my dreams.”