• Home
  • Fresh Scoops
  • Charo Santos, inamin ang pananabik na makasama si Bea Alonzo sa pelikula

Charo Santos, inamin ang pananabik na makasama si Bea Alonzo sa pelikula

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/8/2019 11:54 AM
Charo Santos, inamin ang pananabik na makasama si Bea Alonzo sa pelikula


Kung dream come true para sa Kapamilya actress na si Bea Alonzo ang makasama ang award-winning actress na si Charo Santos sa isang proyekto, labis din ang naging pananabik ng veteran actress nang malaman na si Bea Alonzo ang makakatrabaho nito sa proyekto.

“Nakita ko itong nagdalaga. Talagang excited na excited ako ng sinabing si Bea ang makaksama ko for this project.”

Naibahagi din ng award-winning actress, ang kanyang mga hindi malikimutan na reaksyon ng audience sa Singapore kung saan unang ipinalabas ang Eerie.

“Ay naku! Talagang sumisigaw yung iba nga na mga babae with their husbands or their partners, talagang naka yakap na sa kanilang mga asawa.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Patahimikin mo ang konsensya mo. #PaparatingNaSiya #Eerie

A post shared by Charo Santos (@charosantos) on

 

Pabiro din na ibinahagi ni Charo ang mga dapat abangan sa kanilang proyekto ni Bea.

 

“Ay ako naman ang mananakot dito, tinakot ko si Bea dito! (Laughs)”

Ngayong March 27 mapapanuod ang Eerie sa mga sinehan sa Pilipinas sa direksyon ni Mikhail Red.