• Home
  • Fresh Scoops
  • WATCH: Kaye Abad, balik teleserye kasama si Cristine Reyes sa ‘Nang Ngumiti Ang Langit’

WATCH: Kaye Abad, balik teleserye kasama si Cristine Reyes sa ‘Nang Ngumiti Ang Langit’

Kaye Abad is back with a new teleserye ‘Nang Ngumiti Ang Langit’.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/7/2019 11:00 AM
WATCH: Kaye Abad, balik teleserye kasama si Cristine Reyes sa ‘Nang Ngumiti Ang Langit’


Matapos ang halos apat na taong break mula sa paggawa ng teleserye, muling nagbabalik sa telebisyon ang Kapamilya star na si Kaye Abad para sa Nang Ngumiti Ang Langit.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Abangan si @kaye_abad bilang ELLA sa #NangNgumitiAngLangit. Malapit na sa ating ABS-CBN! #RSBDramaUnit

A post shared by nangngumitianglangit_abscbn (@nangngumitianglangit_abscbn) on

 

Sa trailer na nilabas ng ABS-CBN YouTube channel kahapon March 6, marami ang natuwa nang makita si Kaye bilang isa sa mga bibida. 

Taong 2014 nang huling bumida si Kaya para sa teleseryeng Two Wives, kasama sina Jason Abalos at Erich Gonzales. 

Bukod kay Kaye, ito na rin ang pagbabalik telebisyon ni Cristine Reyes bilang kontrabida. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Abangan si @cristinereyes bilang KATRINA sa #NangNgumitiAngLangit. Malapit na sa ating ABS-CBN! #RSBDramaUnit

A post shared by nangngumitianglangit_abscbn (@nangngumitianglangit_abscbn) on

 

Ang bagong teleserye ay pagbibidahan din ng bagong batang aktres na si Sophia Reola. Kasama rin sa cast sina RK Bagatsing, Enzo Pineda, Pilar Pilapil at Dante Rivero. 

Panuorin ang buong trailer dito: