WATCH: Angeline Quinto, nagpakitang gilas sa pagsasayaw

Nagbigay din ng reaksyon ang ilang artista sa dance cover ni Angeline Quinto.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/7/2019 11:04 AM
WATCH: Angeline Quinto, nagpakitang gilas sa pagsasayaw


Photo credit: @loveangelinequinto on Instagram

Nagpakitang gilas sa pagsayaw ang isa sa mga ASAP Natin ‘To Birit Queens, na si Angeline Quinto, sa isang throwback video na pinost niya sa Instagram kahapon March 6. 

Kasama ang isang G-Force member, hindi nagpahuli sa paghataw si Angge. "Idol ko po kasi talaga si Maja at Kimmy. Hahahaha. Tara na ulit please kuya (GForce Sherwin)," sabi niya sa caption. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Idol ko po kasi talaga si Maja at Kimmyy. Hahahaha😍🙈🙈🙈 Tara na ulit please kuya @gforce_sherwin 😘😘

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on

 

Sa comments section, humanga ang mga kaibigan ng singer na sina Kim Chiu at Maja Salvador, K Brosas at iba pa.