• Home
  • Fresh Scoops
  • PBB Otso former housemate Tori Garcia on JC Gamez: ‘It’s just crush, admiration…’

PBB Otso former housemate Tori Garcia on JC Gamez: ‘It’s just crush, admiration…’

PBB Otso former housemate Tori Garcia, inamin ang nararamdaman para kay JC Gamez at Wakim Regalado

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/7/2019 10:41 AM
PBB Otso former housemate Tori Garcia on JC Gamez: ‘It’s just crush, admiration…’


Sa Tonight with Boy Abunda, binigyang linaw ni former Pinoy Big Brother Otso housemate Tori Garcia kung ano ang namagitan sa kanila ni JC Gamez. Nakasama niya si JC sa Camp Star Hunt bago napunta si Tori sa bahay ni Kuya.

Ayon sa kanya, isa sa mga rason si JC kung bakit siya sobrang naging emosyonal noong eviction night. “JC was the first one who told me po na antayin mo ako sa bahay ni Kuya,” ani Tori. “Very very close friends,” lang diumano ang tono ng pagkakasabi nito ni JC. 

Alam din ni Tori na may girlfriend si JC kung kaya, “yes he does and I had to stop. It’s just crush, admiration and also we have the same story past-wise and same dreams…” 

Sa labas naman ng bahay ni Kuya, inamin ni Tori na nagbago na ang feelings niya para kay JC, pero marami diumanong supporters ang may gusto sa tambalan nila, pati na ang mga kapamilya ni JC. “Yes po but at the same time I have to stop it but the supporters really want us and apparently even his tita and his lola,” kuwento ni Tori.

Para naman kay Tori, “I respect his decision and his relationship and I treasure our friendship more.” 

Umamin din ang housemate na si Wakim Regalado sa nararamdaman niya para kay Tori bago ma-evict si Tori mula sa bahay ni Kuya. Nagulat daw si Tori ng magtapat si Wakim, pero dinepensahan naman ni Tori si Wakim sa mga nagsasabi na game plan ang nagyaring pagtatapat nito kay Tori. “What he did po kasi after nag-confess po siya sa akin, e in-avoid po niya ako. As in pag andun po ako sa room, lalabas po siya…” ani Tori. Dagdag pa ni Tori, “If it was a strategy he would ride on the, so…” 

Aminado rin si Tori na kinilig siya ng umamin si Wakim ng feelings nito para sa kanya.