• Home
  • Fresh Scoops
  • Scarlet Snow Belo, humihingi na ng kapatid mula sa mga magulang

Scarlet Snow Belo, humihingi na ng kapatid mula sa mga magulang

Magkakaroon na nga ba ng kapatid si Scarlet Snow Belo?

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/6/2019 10:19 AM
Scarlet Snow Belo, humihingi na ng kapatid mula sa mga magulang


Photo credit: @dochayden/ @scarletsnowbelo on Instagram

Sa ulat ng TV Patrol, mala-royal kiddie party diumano ang 4th birthday celebration ng influencer at social media darling na si Scarlet Snow Belo.

READ: At 3 years old, Scarlet Snow Belo receives 'People Choice Award'

Ani Scarlet, ang favorite food niya sa kanyang party ay ang “cheese French fries (and) Chicken Joy.” Si Scarlet din ang nag-lead ng prayer bago kumain at matatas niya itong binigkas in Filipino. 

Ayon sa ina niya na si Dr. Vicki Belo, “Lagi niyang gusto siya ang magle-lead kaya if you notice she’s so sanay to it kasi she really does it every meal.”

Kuwento naman ng dad ni Scarlet na si Hayden Kho, “Pag nagdadasal yan binabantayan niya lahat, sisilip yan kung lahat naka-bow down…” 

Isa rin sa wish ni Scarlet ang magkaroon na ng kapatid. Ayon kay Hayden, “(Tinanong ko siya), ‘Scarlet, are you ready to have a brother na?’ She goes, ‘I don’t like. I want a sister.’ Alam mong ginawa niya, bigla na lang close eyes and ‘Dear Jesus, please give me a sister and a brother amen.’” 

Nang tanungin naman si Vicki tungkol sa wish ni Scarlet na magkaroon na ng kapatid, ang sagot ni Vicki ay, “Hello Korina (Sanchez), tatanungin ko muna sa kanya kung gaano kahirap ang ginawa niya…”