• Home
  • Fresh Scoops
  • Liza Soberano on younger brother Justin: ‘He’s a good father.’

Liza Soberano on younger brother Justin: ‘He’s a good father.’

Liza Soberano, proud tita sa anak ng kanyang kapatid na si Justin

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

3/6/2019 10:12 AM
Liza Soberano on younger brother Justin: ‘He’s a good father.’


Photo credit: @lizasoberano on Instagram (L)

Sa panayam nina Liza Soberano at Enrique Gil sa King of Talk sa Tonight with Boy Abunda, pinagmalaki ni Liza Soberano ang panibagong milestone sa buhay niya dahil tita na siya sa anak ng kanyang kapatid na si Justin. Anya, “Justin’s baby was born. She was born February 18.”

READ: Why did Liza Soberano say she ‘lost her baby brother a long time ago’?

Kuwento pa ni Liza, siya ang pinaka-excited ng araw na yun, at inaabangan na niya ang panganganak ng girlfriend ni Justin February 17 pa lang. “I think I was the most excited. Day before, I was waiting the whole day. I was on standby for their call if she was in labor already or not,” ani Liza.

Napagod na raw si Liza sa paghihintay at umuwi ng 1 a.m. pero mga bandang alas kwatro ng umaga ay ginising siya ng assistant niya. Ayon kay Liza, “Around 4 a.m., my assistant woke me. (Sabi niya), ‘Tinawagan ako ni Justin, nanganganak na daw si Chloe.’ Sabi niya parang hihimatayin na siya.’”

Dagdag pa ni Liza tungkol kay Justin, “He was crying.”

Agad naman daw pumunta si Liza sa ospital kasama ang dad at assistant niya. “Me and my Dad and my assistant, we were there when the baby was getting cleaned up. I didn’t hold the baby cause I might be dirty, germs and everything. But I got to see her. I took pictures of the moment and everything.”

Nang tanungin naman kung kumusta si Justin na mas bata kesa kay Liza, “He’s really happy right now. Of course he’s happy that the baby is there but of course there’s a struggle because it’s something new for him. Of course, he’s inexperienced. He’s pretty young.” 

Kailangan pa diumano ng bagong ama ng guidance at nandiyan naman sila Liza para ibigay iyon. “He still needs guidance from us, from the girlfriend’s mother, but he’s doing pretty good.” 

Proud din si Liza kay Justin dahil, “He’s a good father.”