Cristine Reyes, mas mature at independent na nga ba ngayon?

Nanatiling tikom ang bibig ni Cristine sa usapin ng kanyang buhay may-asawa.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/6/2019 3:59 PM
Cristine Reyes, mas mature at independent na nga ba ngayon?


Todo pasasalamat ang aktres na si Cristine Reyes sa patuloy na pagbuhos ng mga proyekto sa kanya ngayon.

Una na dito ang unang beses na pagsabak ni Cristine sa action sa pelikulang Maria  na prinodus ng VIVA Films.

Kuwento ni Cristine, kasabay ng pagsubok sa kanyang karakter ang malaking pagbabago din sa kanyang pananaw sa buhay.

“Iba na.. Iba na ‘yung outlook mo as buhay, hindi kana naghahanap ng kasiyahan pa da buhay, ang hinahanap mo na ngayon, Actually wala akong hinahanap sa buhay ko ngayon,” tugon ni Cristine sa panayam ng press.

Aniya, isa na dito ang pagiging masikap niya sa mga trabaho na dumarating sa kanya ngayon.

“Ano lang, for me, dati kasi noong bata ako parang ‘ayaw ko mag-trabaho, bakit ba ako nagta-trabaho,’ pero ngayong 30 na ako ‘No! I need to work’ and wala nang fun for me and gusto ko nang umuwi, gusto ko nang makita ang daughter ko na”, aniya.

At ngayong nag-mature na ang aktres, pangarap din ng aktres na maabot pa ang kanyang mga pangarap sa kanyang buhay.

 

 

“At 30? Siyempre a comfortable life, and happy life” ani aktres.

“Ever since naman po, ako lang talaga ang nag-work for myself, and I can really say that I’m self made. Ever since I started 15 years (ago), ever since 2003, I also helped my family and nobody really helps me financially,” pahayag pa niya.

Bukod sa Maria, abala din si Cristine sa nalalapit na pagsisimula ng Kapamilya series na Nang Ngumiti ang Langit sa ABS-CBN.