• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘The Phantom of the Opera’, patuloy na pinapalakpakan sa Pilipinas

‘The Phantom of the Opera’, patuloy na pinapalakpakan sa Pilipinas

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/5/2019 9:36 AM
‘The Phantom of the Opera’, patuloy na pinapalakpakan sa Pilipinas


Photo credit: @solaireresort on Instagram

Matapos ang pitong taon, muling nagtanghal sa Pilipinas ang iconic Broadway at West End musical na The Phantom of the Opera.

Gumaganap bilang Phantom ang stage actor na si Jonathan Roxmouth na siya ring title role sa unang staging nito sa CCP noong 2012.

 

Gumaganap naman sa lead role bilang si Christine si Meghan Picerno.

 

Matapos ang media night kung saan pinalakpakan ng todo ang naging performance ng cast ng The Phantom of the Opera, tuloy tuloy ang Standing Room Only performance nito sa The Theater ng Solaire.

Sa ngayon, maituturing din ang The Phantom ang longest running musical na nagsimula noong January 26, 1988.

Mapapanuod ang The Phantom of the Opera dito sa Pilipinas hanggang March 31, 2019.