• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Sarah and Anne, nagulat sa dami ng gustong maging anak ni Matteo at ni Erwan

PANOORIN: Sarah and Anne, nagulat sa dami ng gustong maging anak ni Matteo at ni Erwan

Kuha sa video ang pagkagulat ni Sarah Geronimo at Anne Curtis, nang sabihin ng kanilang mga significant other kung gaano karami ang gusto nilang anak.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/5/2019 7:44 PM
PANOORIN: Sarah and Anne, nagulat sa dami ng gustong maging anak ni Matteo at ni Erwan


Sa Instagram video na in-upload kahapon March 4, nakuhanan ang nakakatawang reaksyon ni Sarah Geronimo at Anne Curtis nang malaman kung ilang anak ang gusto ng kanilang mga significant other na sina Matteo Guidicelli, at Erwan Heussaff. 
 
Sa video, tinanong ng kanilang kaibigan sina Matteo at Erwan kung ilang anak ang gusto nila. Sumagot ng pabiro si Matteo ng "16," habang si Erwan naman ay "24." 
 
 
"Oh my god, kawawa naman si Anne tsaka si Sarah," sabi ng kumukuha ng video, habang nakuha rin ang pagkagulat at natatawang reaksyon nina Sarah at Anne.
 
Maraming netizen ang natuwa at kinilig sa naturang video at nagcomment sa post. 

 

Noong Nobyembre ng nakaraang taon ay nagpuntang South Africa sina Anne at Erwan para sa kanilang honeymoon. Doon ay ipinagdiwang na rin nila ang isang taon nila bilang mag-asawa.
 
Samantala, may mahigit limang taon nang magkasintahan sina Matteo at Sarah. May mga balitang lumalabas na engaged na ang dalawa, ngunit hindi pa ito kinukumpirma ng kanilang kampo.