MNL48 members, planong sumali sa beauty pageants?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/5/2019 9:28 AM
MNL48 members, planong sumali sa beauty pageants?


Photo credit: @abby.mnl48official/ @belle.mnl48official on IG

Sinalubong ng kanilang mga fans sa Ticketnet booth ng Araneta Coliseum ang ilang miyembro ng MNL48.

Malayo na nga ang narating ng grupo mula ng isa-isang mapili sa isang search sa It’s Showtime.

Personal na tumulong ang ilang miyembro ng MNL48 sa pagbebenta ng tickets noong nagdaang weekend.

“Feeling overwhelmed po sa mga fans at siyempre excited sa papalapit namin na concert kaya super exciting po mga nangyayari ngayon,” sabi ng mga MNL48 members.

Dahil sa mainit na pagmamahal ng kanilang mga taga suporta, inamin din ng isa sa mga miyembro ng MNL48 na si Belle ang kanyang planong pagsali sa beauty pageant.

Kuwento niya, naging magandang halimbawa sa kanya ang tagumpay ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.

“Isang honor po yun para sa akin. It is my wildest dream para i-represent ang Philippines. Gaya po ng Miss Universe, dito po sa MNL48 nare-represent na din namin ang Philippines,” sabi pa ni MNL48 Belle.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

2018 was the only year I haven't join any beauty contest after being exposed in 5 consecutive years. If I've joined any, it would be my 10th time(+2 runway contests). BeauCon has been my life for a long time... So I think giving it up for a while would be so impossible.. Until I met MNL48. 💙 I never expected that I'll still have the chance to inspire a wider -range of people after being parted from pageants. This idol industry opened my eyes along with my whole being that I can still be an inspiration through another beautiful platform. But the correlation between the two besides from presenting my authentic self and my capabilities is that I can connect to people. Through the opportunity that has been given to me, I am able to touch their lives even in simplest things. 😭 This 2019, I encourage everyone to seek and explore new things where you can find yourself genuinely happy. Because what makes an experience worthy of your time and effort is when you are fueled with passion, devotion, and determination!! 💯 Let your 2018 self be the reminder of who you wanna become this 2019.. 👌💖#MNL48Belle

A post shared by MNL48 Belle (@belle.mnl48official) on

 

Tulad ni MNL48 Belle, plano din na subukin ni MNL48 Abby ang larangan ng pageant. Naging emosyonal pa ito ng tanungin sa kanyang planong adbokasiya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MNL48 ABBY 💚 (@abby.mnl48official) on

 

“Sa pagtulong po sa mga matatanda. Ayoko po kasi nakakakita ng matatanda sa kalsada gusto ko po (napaiyak) oh my god! Sa matatanda ayoko po! Bilang MNL48 po sa ngayon yun po ang gusto ko gawin tulungan ang matatanda,” pahayag pa ni MNL Abby.

Sa ngayon, tutok ang MNL48 girls sa kanilang Living the Dream concert na gaganapin sa April 6 sa New Frontier Theater.