• Home
  • Fresh Scoops
  • James Reid at Billy Crawford, may buwelta sa mga bashers ng ‘Idol Philippines’

James Reid at Billy Crawford, may buwelta sa mga bashers ng ‘Idol Philippines’

Sa kalagitnaan ng 2019 inaasahan ang pagsisismula ng inaabangan na Kapamilya singing search, ‘Idol Philippines’.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/5/2019 9:59 AM
James Reid at Billy Crawford, may buwelta sa mga bashers ng ‘Idol Philippines’


Matapos ipakilala ang mga uupong hurado sa inaabangang Idol Philippines, tila walang komento ang isa sa mga magiging hurado nito na si James Reid sa iba’t ibang batikos ngayon sa ng mga netizens sa social media.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

The Search for the Idol Philippines! Soon on ABS-CBN! 💙🎶 #IdolPhilippines

A post shared by Idol Philippines (@idolphilippines) on

 

Kasama ni James bilang hurado sina Vice Ganda, Moira Dela Torre, at Regine Velasquez.

READ: Judges ng Idol Philippines, inanunsyo na

 

 

“Actually hindi ko pa nakita ‘yung reactions, so actually ayaw ko (tingnan ang reactions),” pabirong kuwento ni James sa naganap na media conference ng kanyang The Crew concert.

“I have an idea of what they are saying,” patuloy pa niya.

Aminado naman ang singer-actor na hindi niya kailangan ipatunayan pa sa mga netizens na kumukuwestiyon sa kanyang kakayahan bilang isang hurado sa upcoming Kapamilya singing search.

 

“I have my own insecurities about being a judge and they picked me for a reason. [I have the] sound of now, I’m successful in my own field, and I have something to offer,” ani James.

“So it’s my opinion, you’re welcome to have your own,” sabi pa niya.

Si Billy Crawford na tatayong host ng programa dumipensa din para sa kanyang makakasama sa Idol Philippines.

“It is a big show and that’s why reacting the way they are… I guess that’s why everybody is curious. And curiosity sometimes messes with people’s heads,” paliwanag ni Billy.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Your Idol Philippines host, Billy Crawford! 💙

A post shared by Idol Philippines (@idolphilippines) on

 

Pakiusap din nag Kapamilya host, “Ang sa akin lang, siguro lahat ng tao ay entitled naman sa kanilang mga opinion sa totoo lang, everyone is entitled to speak. But when everybody is too harsh and too personal, that’s maybe people should draw the line, honestly,” pahayag ni Billy.

Natanong din si James kung ano ang kanyang hinahanap sa mga taong may planong sumali sa Idol Philippines.

“Personally what I’m looking for, not so much on a technicality because that could be developed, what am I looking for really is the secret ingredient, you know something you don’t know why but you liked this person for a reason,” pahayag ni James.

Inaasahan na sa kalagitnaan ng 2019 magsisimula ang Idol Philippines sa ABS-CBN.