• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Joel Ferrer reveals Carlo Aquino and Jessy Mendiola were originally eyed for ‘Elise’

Director Joel Ferrer reveals Carlo Aquino and Jessy Mendiola were originally eyed for ‘Elise’

‘Elise’ Director Joel Ferrer admits being 'really affected' when his film got pulled out of cinemas.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

3/5/2019 10:52 AM
Director Joel Ferrer reveals Carlo Aquino and Jessy Mendiola were originally  eyed for ‘Elise’


Photo credit: @senorita_jessy/ @joelskytursky on Instagram

Nagbigay ng ilang movie trivia ang direktor ng Elise na si Joel Ferrer sa naganap na Q and A session matapos ang screening ng nasabing pelikula sa Cinema76 Anonas nitong Linggo March 3. Ayon kay Joel, una niyang sinulat ang script ng Elise noong 2014 para sa Cinema One Originals.

"Roughly mga 2014, so five years ago nung sinulat ko siya. Tapos suppossedly for Cinema One siya... 'Yun 'yung time na parang na-in love ako sa isang babae na eventually I have to get over her," sabi niya.

Sa Q and A din ay ibinahagi ni Joel ang unang cast na nasa isip niya noong unang sinulat ang pelikula. "When I pitched it sa Cinema One nung 2014—pero very rough, Carlo Aquino, Jessy Mendiola, Ryza Mae Dizon, yun ang mga top of my head, nung pinitch ko siya sa Cinema One before," kuwento ni Direk.

Hindi man nakasama sa line up ng Cinema One Originals 2015 ang Elise, pasok naman ang isa pang pelikula ni Joel na Baka Siguro Yata, na kung saan ay nanalo ng Audience Choice Award, at naging nominado rin sa Best Director at Best Screenplay. 

 

Pagpapatuloy ng direktor, nang muling balikan at buuhin ang pelikulang Elise, nakasama na niya ang produksyon ng Regal Films. 

"Eventually when we're developing it again, binuhay namin ulit siya last year under Regal, nag-brainstorm kami on who to cast ganon... When we started the casting, straight off the bat ang (pinili) ko talaga - okay feeling ko Janine (Gutierrez) ‘to," kuwento rin ni Joel.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hello, patapos na ang theater run ng Elise, i'm not good with words, pero gusto ko lang pasalamatan ang bumubuo sa maliit naming pelikula, mula sa beautiful cast, sa solid staff and crew, sa post, sa Regal, maraming maraming salamat I never imagined this film would get this much support. I can't tell you how much i got choked-up reading (again and again) the overwhelmingly lovely messages and posts people share about or film. Hanggang ngayon nasa alapaap ako. Yeah we didn't run for very long, but it felt good that people who saw it appreciate the effort that we made into making this film. It's a lot more that i can ask for. Which started as a love letter to the person i fell in love with (fell, fall), it becomes this statement of our cause. And how lucky i am to be blessed with all these people who spent hundreds of hours making this film as it is? Yes, it has it's imperfections, yes, we lack sleep most of the shooting days, we fight on-set, we didn't get the perfect shots every single time, but we did everything out of love of the craft, and did everything we could, and seeing it on the bigscreen with the people who helped us create it is a way beyond words kind of feeling because we made it. Puno ng pagmamahal itong pelikula na ito and i'm so glad it translated on the film itsself. I couldn't ask for anything more than that. Naguumapaw sa saya ang puso ko. Maraming salamat!

A post shared by Joel Ferrer (@joelskytursky) on

 

Samantala, nang tinanong naman tungkol sa kanyang reaksyon sa isyu ng maagang pagtanggal ng Elise sa mga sinehan, "Siyempre I got really affected. Kasi kumbaga eto na yung parang kabuhayan namin to e. We're doing this for a living." 

Dagdag ni Joel, nagpokus na lang siya at nagpapasalamat sa mga magagandang reviews na natatanggap mula sa mga nakapanuod na ng kanyang pelikula.

"Alam ko naman na magsu-survive pa rin ang Philippine cinema no matter what. I guess meron lang times na medyo nadadapa dapa lang, parang hindi kumikita mga Filipino films ngayon e. Pero everyone, nagiisip naman kung paano kikita ulit ang Filipino films," pahayag niya. 

Sa ngayon, may isang digital series na binubuo ngayon si Joel para iWant.