• Home
  • Fresh Scoops
  • Yen Santos, ibinahagi ang mga dapat abangan sa pagtatapos ng ‘Halik’

Yen Santos, ibinahagi ang mga dapat abangan sa pagtatapos ng ‘Halik’

Mas mapapaaga ang ending ng ‘Halik’ para bigyang oras ang kanilang world tour.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/4/2019 10:03 AM
Yen Santos, ibinahagi ang mga dapat abangan sa pagtatapos ng ‘Halik’


Life changing para sa Kapamilya actress na si Yen Santos ang kanyang role sa top rating primetime series na Halik ng ABS-CBN. Kuwento ni Yen, marami ang nagbago sa kanyang buhay matapos gampanan ang palaban na misis na  si Jacky Montefalco.

“Napakarami pong nangyari after ng Halik, unang una hindi po namin i-ni-expect na ganun siya ka-hit, so ako po ‘pag lumalabas ako hindi na Yen Santos ang pangalan ko ako na si Jacky,” aniya sa sa panayam ng entertainment press sa media launch ng pelikulang Two Love You, kung saan isa si Yen sa mga bida.

Ibang experience sa kanyang buhay ang maging bahagi ng Halik.

“Sobrang sarap po sa feeling na first kong napasama sa isang teleserye na talaga namang lahat ng tao gigil, lahat ng tao mayroong komento, mayroong Team Jacky, na parang ako ang nagre-represent ng isang legal wife,” kuwento pa niya

Dagdag pa ni Yen, dahil sa nalalapit na nilang  pagtatapos , mas lalo pa mamahalin si Jacky ng mga manonood.

“Sobrang proud na ako kay Jacky ngayon, dahil lumalaban na siya, and na realize na niya kung ano ang worth niya, at sana ngayon hindi pa man natin alam kung saan ka pupunta yung pagmamahal niya kay Lino,” sabi pa niya.

Tinanong din ng press kung ano ang masasabi niya sa mga netizen na may kanya kanyang mga manok na kung sino dapat ang piliin ni Lino, na ginamapanan naman ni Jericho Rosales.

READ: Jericho Rosales, sino ang pipiliin kina Jacky at Jade?

“Minsan nagtatanong kami, ‘ano ba ang gusto niyong ending?’ Kasi kahit kami pinag-dedebatihan namin kung ano ang magiging ending, kaya sana patuloy lang nilang suportahan ang Halik,” pahayag lamang ni Yen.

Sa ngayon, todo na ang mga pasabog na eksena para sa nalalapit na pagtatapos ng Halik sa March 29.