• Home
  • Fresh Scoops
  • Pia Wurtzbach gets emotional as she recalls how sister Sarah kept supporting her in beauty pageants

Pia Wurtzbach gets emotional as she recalls how sister Sarah kept supporting her in beauty pageants

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach revealed that her sister Sarah is the one who pushed her to join Bb Pilipinas, even after losing twice.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/4/2019 6:34 PM
Pia Wurtzbach gets emotional as she recalls how sister Sarah kept supporting her in beauty pageants


 

Naging emosyonal ang Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa episode ng Magandang Buhay ngayong araw, March 4. Ayon kay Pia, malaki ang pasasalamat niya para sa kapatid na si Sarah dahil ito ang nagtulak sa kanya na muling sumali sa Binibining Pilipinas kahit dalawang beses na siyang natalo.

"Maraming maraming salamat for staying strong for me, kahit nung mga panahong akala ko hindi na talaga ako mananalo ever. Siya ‘yung nagpush sa akin na sumali ulit.” 

"Nasa UK ako 'non, tapos natalo nang dalawang beses and, yung financial situation ko no’n ang hirap na," kwento ni Pia sa mga momshie-hosts.

 

 

Dagdag ni Pia, ideya rin ng kanyang kapatid na gumamit siya ng Filipino-designed gowns sa international pageant.  

"Siya din ang nag-push sa akin na mag Filipino designer ako. Parang pa’no ako magli-leave ng mark, na kahit hindi ako manalo, I left a mark on the Miss Universe stage," sabi ni Pia.  

"I guess one dream that will never go away is just to have a happy family with you. I will always work for that," mensahe ni Pia kay Sarah na nagpaluha na rin sa kapatid.

"Everytime we're apart, heartbroken ako, parang I'm breaking up with someone. She's my anti-depressant, she's my happy pill," sagot naman ni Sarah sa kapatid niya. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Papicture naman, idol! -Pia 😂 #charot

A post shared by Sarah Alonzo Wurtzbach (@sarahwurtzbach) on

 

Patuloy na mapapanood si Pia kasama si Luis Manzano sa World of Dance Philippines bilang host.