• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadine, inisa-isa ang mga “asset” nina Liza, Julia at Kathryn

Nadine, inisa-isa ang mga “asset” nina Liza, Julia at Kathryn

Nadine Lustre, may mga hinahangaang katangian kina Liza Soberano, Julia Barretto at Kathryn Bernardo.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

3/4/2019 8:51 AM
Nadine, inisa-isa ang mga “asset” nina Liza, Julia at Kathryn


Sa ‘Kuryentanong’ segment ng Gandang Gabi Vice, sinagot ni Nadine Lustre ang tanong kung siya ang pinaka-sexy sa mga kasabayan niyang big stars tulad nina Liza Soberano, Julia Barretto at Kathryn Bernardo.

Nag-isip muna si Nadine bago sabihing, “Meron kasi kaming mga asset kaming apat, iba-iba. (Kaya) hindi ko naman pwedeng sabihing yes.”

Inisa-isa rin ni Nadine ang mga “asset” nina Liza, Julia at Kathryn. “Si Liza ‘di ba matangkad so yung katawan niya very proportion, mahaba yung legs and all. Si Julia naman, may abs si Julia eh and si Kat also very curvy siya ng konti eh…” paliwanag ng aktres.  

Sa tanong naman kung nasaktan na ang puso niya ng bongga ng boyfriend na si James Reid, confident na sinagot ito ni Nadine ng “no.”  Sa tatlong taon daw na relationship nila ni James ay hindi pa ito nangyayari.

Ganun din sa tanong kung may pinagselosan na siyang ex-girfriend ni James. Sinabi ng aktres na “never” pa siyang nagselos sa mga naging dating karelasyon ni James at ganun din daw ang binata sa kanya.

Natawa lamang si Nadine sa pagbibiro ng host na si Vice Ganda. “Bakit ganyan ang relasyon niyo? Paano masisira yan kung hindi kayo nag-aaway?”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

ATM @nadine on @abscbnggv #ULANSaGGV ❣️📸 @teamviceph

A post shared by VIVA ARTISTS (@vivaartistsagency) on