• Home
  • Fresh Scoops
  • MNL48, all set na para sa kanilang ‘Living The Dream’ concert

MNL48, all set na para sa kanilang ‘Living The Dream’ concert

Ito ang unang major concert ng MNL48 matapos silang mabuo sa ‘It’s Showtime’.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/4/2019 10:21 AM
MNL48, all set na para sa kanilang ‘Living The Dream’ concert


Todo na ang paghahanda ng all-female group na MNL48 para sa kanilang “Living The Dream” concert sa darating na April 6.

 

Bahagi ng kanilang naging paghahanda ang pakikipag-bonding sa kanilang mga fans kasabay ng kanilang personal na pagbebenta ng tickets na naganap nitong Sabado ng gabi sa Araneta Center.

 

 

Kuwento ng ilan sa MNL48 members, extra special ang araw na ito dahil magsasama at makiki-celebrate sa kanila ang kanilang fans sa importanteng milestone ng kanilang grupo.

Bukod sa kanilang local fans, inaasahan din ng MNL48 girls ang ilang international fans na bibisita sa Pilipinas para panoorin ang kanilang “Living The Dream Concert” sa New Frontier Theatre.

Bukod sa kakaibang dance performance, inaasahan din na aawitin ng MNL48 ang ilan sa kanilang mga hits gaya ng “Pag-ibig Fortune Cookie,” “Palusot Ko’y Maybe,” at ang “Talulot ng Sakura.”

Ito ang first major concert ng MNL48 matapos silang mabuo noong 2018 bilang Philippine franchise ng sikat na Japanese Girl group na AKB48.