• Home
  • Fresh Scoops
  • Ina Raymundo wins her first international Best Actress award in Portugal

Ina Raymundo wins her first international Best Actress award in Portugal

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/4/2019 9:35 AM
Ina Raymundo wins her first international Best Actress award in Portugal


Photo credit: @inaraymundo95 on Instagram

After winning her first local Best Actress award sa 2002 PMPC Star Awards for Movies para sa pelikulang Tuhog, na idinirek ni Jeffrey Jeturian,  ngayon lang nanalo si Ina Raymundo ng isang international Best Actress award.

Naiuwi ni Ina ang Best Actress sa 39th Fantasporto International Film Festival 2019 na ginanap sa Portugal. Ipinanalo ni Ina ang kanyang performance sa pelikulang Kuya Wes, isang Cinemalaya finalist last year, na directed ni James Mayo.

Si Direk James at lead actor Ogie Alcasid ay umattend ng film fest sa Portugal, pero since hindi na-irelease ang pangalan ng nominees ng maaga, nakauwi na ulit sa Pilipinas ang dalawa nang malaman nilang nanalo pala si Ina. 

Naka-tie ni Ina sa Best Actress si Ai-Ai Delas Alas para naman sa pelikulang School Service, na isa ring Cinemalaya finalist last year, directed by Louie Ignacio Natanggap din ng School Service ang Orient Express Special Jury Award.

Ginanap ang festival noong Feb 22 to March 2, at dinaluhan ng representatives mula sa iba't ibang bansa. Variety Magazine rated it as "one of the 25 leading film festivals of the world."

Incidentally, Kuya Wes, produced by Spring Films, will have its commercial showing on March 13, 2019 (Wed) in cinemas nationwide. 

Naunang ipinost ni Ogie, sa kanyang Instagram account ang pagbati sa aktres.

“My beautiful co-actor @inaraymundo95 just won best actress along with my dear cousin @msaiaidelasalas at the recently concluded #Fantasporto in Portugal! Dante Rivera won Best Actor, @direklouieignacio won the Orient Express Jury Award and Carlo Catu won Special Jury prize! Hurrah and congrats to the Philippines!”

 

Simple lang naman ang naging reaksyon ni Ina sa kanyang pagkapanalo sa Portugal.

“Congrats to all the Filipino winners! I didn’t expect this at all. Thank you Lord. Also, please watch Kuya Wes showing in cinemas on March 13th,” post niya sa kanyang IG account.