• Home
  • Fresh Scoops
  • Khalil Ramos at Gabbi Garcia, willing mag ober da bakod para sa pelikula

Khalil Ramos at Gabbi Garcia, willing mag ober da bakod para sa pelikula

Ito ang unang proyekto ni Khalil Ramos at Gabbi Garcia matapos aminin ang kanilang relasyon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/31/2019 11:49 AM
Khalil Ramos at Gabbi Garcia, willing mag ober da bakod para sa pelikula


Khalil Ramos, Gabbi Garci, LSS, Pista ng Pelikulang Pilipino.Isa ang pelikulang LSS (Last Song Syndrome) nina Khalil Ramos at Gabbi Garcia sa mga pelikulang aabangan ngayong taon sa ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Sa naganap na pagpapakilala ng mga pelikula nitong Huwebes, March 28, magkasama na dumating sina Khalil at Gabbi na unang beses nasilayan na magkasama sa isang showbiz gathering.

Kuwento ni Khalil, naging mahirap para sa kanila na paniwalain ang mga manunuod sa kanilang katakter sa pekikula na hindi magkakilala.

“It’s really challenging for us at first na i-convince ang mga manunuod if we portray our characters well. Sobrang anxious at first and we keep on asking our director na ‘okay lang ba direk’ but then everything came out well naman,” sabi pa ni Khalil.

Isa pa sa naging usapin ang kanilang pinagdaanan na pag-papaalam sa kanilang mga mother network. Kuwento nila hindi ito naging madali bago matuloy ang proyekto.

“At first siguro, hindi naman sa nahirapan, pero of course medyo mahabang proseso dahil hindi sila maka-decide if this is the right thing for me to do, ‘yung path of it’s the right timing, or is it a proper movie for me,” ani Gabbi.

Dagdag pa niya, “Ako kasi I do this movie wholeheartedly not because of Khalil, not because of who ever, I really wanted to do this because of the story,” sabi pa ng dalaga.

Pagdating naman sa pag-promote ng pelikula, aminado si Khalil at Gabbi na isa din ito sa hamon para sa kanilang dalawa.

“Actually hindi pa din po namin alam, (laughs) hindi pa din po namin alam kung paano gagawin, but we’ll see,” sabi pa ni Gabbi.

“As long as we get the right permission, everything and anything for the movie to be able to promote and to reach our target audience siyempre gagawin namin,” pahayag pa ni Khalil.

Bukod sa pelikulang LSS, bahagi din ng ika tatlong taon ng PPP ang mga pelikulang Cuddle Weather at Panti Sisters.

Inaasahan na bago magtapos ang Abril ay mabubuo na ang listahan ng walong pelikula kasama sa Pista ng Pelikulang Pilipino.