• Home
  • Fresh Scoops
  • Alessandra De Rossi, gaganap bilang ina ng HIV patient sa isang pelikula

Alessandra De Rossi, gaganap bilang ina ng HIV patient sa isang pelikula

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/31/2019 11:58 AM
Alessandra De Rossi, gaganap bilang ina ng HIV patient sa isang pelikula


Image credit: Cinema Bravo

Bagong hamon ngayon ang gagampanan ng aktres na ai Alessandra de Rossi na gaganap bilang isang ina ng HIV positive patient sa pelikulang Intercedente.

Ito ay iikot sa kuwento ng pagmamahal ng isang ina para sa kanyang anak na may malubhang karamdaman.

Ayon sa direktor nito na si Jill Singson Urdaneta, personal choice niya si Alessandra na nagpamalas ng husay sa pag-arte.

I’m a big fan of her. Isang malaking pangarap yung makatrabaho ang isang Alessandra De Rossi kasi alam naman nating lahat na si Alex ay hindi basta-basta lang tumatanggap ng projects. It’s a personal choice. It was very challenging nung sinusulat namin ni Madam Ely yung script kasi baka hindi niya magustuhan, pero wala rin akong ibang maisip at gustong artista na gaganap sa role. Sabi ko nga, it’s her or never. Nung natapos namin ang script, pinabasa ko agad kay Alex and she liked it right away kasi never pa raw siyang gumanap ng ganitong klaseng role sa ganitong klaseng kuwento,” sabi ni Direk Jill sa naging panayam sa PUSH.

Aminado ang direktor na dumadaan sila sa malak ning hamon para sa kanilang pelikula.

“Hindi sa lahat ng pagkakataon ay creativity mo lang ang iiral dahil sa set, kapag nakarolyo na ang camera, marami ring magagandang inputs ang nabibigay ng team mo. Kelangan mo rin itong i-consider at dapat ready kang mag-adjust,” sabi pa niya.

At dahil tumatalakay sa sensitibong isyu ang kuwento, double ingat din ang kanilang produksyon sa paglalatag ng bawat detelye sa kuwento.

“Siyempre napakaraming challenges. Isa na diyan ang pagbibigay hustisya siyempre sa kuwento kaya kailangang ingat na ingat ka. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nage-gets ng mga tao ang art mo kaya kailangan mo rin hanapin ang balance,” sabi pa ng direktor.

Sino naman anh kanyang mga inspirasyon sa pagiging isang director?

“I really look up to the works of Direk Perci Intalan, Mikhail Red, at siyempre Direk Jay Altarejos. Sila ang nagsisilbing inspirasyon ko at mga obra nila ay yung pinapangarap ko ring mapantayan,” sabi pa ni Direk Jill.

Sa ngayon, patuloy ang shoot ng Intercedente na planong ipalabas sa kalagitanaan ng 2019.