• Home
  • Fresh Scoops
  • Yassi Pressman reacts to allegations she was the reason Julia Montes went abroad

Yassi Pressman reacts to allegations she was the reason Julia Montes went abroad

Yassi Pressman admits she is very close to Coco Martin.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/30/2019 11:23 AM
Yassi Pressman reacts to allegations she was the reason Julia Montes went abroad


Photo credit: @montesjulia08 IG (R)

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni FPJ’s Ang Probinsyano star Yassi Pressman na “medyo” bothered siya dahil may mga netizens na idinadawit siya sa pag-alis ni Julia Montes ng bansa. Diumano, nagseselos si Julia kay Yassi na leading lady ni Coco Martin sa Ang Probinsyano. Ani Yassi, “Medyo po kasi hindi naman po talaga ako kasali.” 

Ngayon daw ay natutunan na lang tawanan ni Yassi ang mga ganitong intriga. Inamin din niya na “very” close siya kay Coco. “Very. He’s a really, really good friend,” sabi ni Yassi.

Isa sa pinagkakasunduan nina Coco at Yassi ay ang pet snakes. Kuwento ni Yassi, “Nagsimula po yan kasi si Tito Mike, Michael Eigenmann, nagdala po siya ng ahas sa set. Tapos yun po ang pinangregalo niya sa birthday ni Coco.”

Noong una daw akala ni Yassi laruan lang ang ball python na dala ng aktor na mas kilala sa screen name na Michael De Mesa. “Akala ko laruan… parang bato lang po kasi,” ani Yassi.

Noong una daw ay natatakot siya at “nanginginig kami dun.” Pero pagpapatuloy ng kuwento ni Yassi, “During tracking pinapakita namin sa mga taong nakasilip and we really had fun. Quite surprising how people get excited and afraid.”

Dahil sa masayang experience ay bumili si Yassi ng ball python. Ang ball python ay pinangalanan niyang “Fluffy.” 

Nagbigay din si Yassi ng trivia tungkol sa mga snakes, “Ball pythons are the species of snakes that don’t have fangs and wala rin po silang venom. Mabibilis sila.” 

Dinala ni Yassi si Fluffy at ang isa pang albino ball python sa TWBA at pinagapang pa ito. Takot na takot naman ang host na si Boy Abunda sa mga dalang pet snake ni Yassi. Napatili pa ang batikang host ng takutin siya ni Yassi sa isang punto ng pag-uusap nila. 

READ: Yassi Pressman adopts second pet snake

Pero paalala ni Yassi kay Boy, kung meron man daw tayong dapat malaman sa mga snakes, ito ay, “they’re not dangerous and mean… Life span ay 30 years so para po kayong nagkaroon ng pet po talaga.

WATCH: TWBA: Yassi, nag-react sa isyung siya ang dahilan sa tampuhan daw nina Coco at Julia