Ion, ‘namanhikan’ sa ina ni Vice Ganda?

Kinilig ang madlang people nang kausapin ni Ion ang nanay ni Vice Ganda.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/30/2019 8:26 AM
Ion, ‘namanhikan’ sa ina ni Vice Ganda?


Kinilig ang madlang people sa It’s Showtime noong Biyernes, Marso 29 nang kausapin ni Kuya Escort Ion Perez ang pamilya ni Vice Ganda at tila humihingi ng permiso para mahalin ang komedyante.

“Humihingi po ako ng permiso – puwede ba ako sa puso niya?” ani Ion sa mommy Rosario at ate Emma ni Vice.

Bumanat din si Jackque Gonzaga, ang isa pang ka-tandem ni Vice sa noontime show at sinabi ni Ion na seryoso siya umano sa host.

Madalas tuksuhin si Vice ng kanyang mga kapwa hosts sa It’s Showtime tungkol sa sweet na hiritan nila ni Ion sa show. Naging bali-balita din ang pag-bisita ni Ion sa isang episode ng Gandang Gabi Vice kung saan sinasabi ng ilang nakapanood sa studio na may pag-amin umano na naganap noong araw na iyon. .

Wala pang nagsasalita kina Vice at Ion tungkol sa isyu.