• Home
  • Fresh Scoops
  • Christian Bables at Idea First Entertainment, nagka-ayos na nga ba?

Christian Bables at Idea First Entertainment, nagka-ayos na nga ba?

Nilinaw ng direktor at ng aktor ang naging isyu dahil sa ‘Born Beautiful’.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/30/2019 11:08 AM
Christian Bables at Idea First Entertainment, nagka-ayos na nga ba?


Balik trabaho sa Idea First Entertainment ang aktor na si Christian Bables para sa ika-tatlong  taon ng PPP (Pista ng Pelikulang Pilipino) para sa pelikulang Panti Sisters.

Masasabing reunion movie project ito ni Christian sa Idea First na pinamumunuan ni Percy Intalan at Jun Robles Llana na mga utak sa likod ng mga pelikulang Die Beautiful ni Paolo Ballesteros at Born Beautiful ni Martin Del Rosario.

Matatandaan na si Christian Bables dapat ang tatayong bida sa Born Beautiful bilang si Barbs.

Paglilinaw ng direktor na si Percy Intalan, “Actually pag-labas palang ng Born Beautiful inisip na namin ‘yun and last PPP pa namin ‘yan na resolve. So ang naisip namin nila Direk Jun, ‘Ang ganda naman na silang tatlo sa isang project magkakasama’ and inisip na namin talaga ‘yun,” sabi pa ng direktor.

Gaya ni Direk Percy, binigyang linaw din ni Christian Bables ang tila napalaking hindi nila pagkakaintindihan sa produksyon na nabigyan pa ng ibang kahulugan ng karamihan.

“Sobrang thankful ako kay direk Percy and direk Jun for giving me this project na once again napag-katiwalaan tayo, kahit na may misunderstandings tayo before na I believed napa-laki lang. And everything starts well, ends well,” pahayag pa ni Christian.

Inaasahan na sa unang linggo ng Abril magsisimula nang mag shoot ang Panti Sisters.