Arjo Atayde, pinasalamatan ang inang si Sylvia Sanchez

Aminado si Arjo Atayde na malaking adjustment ang ginagawa niya sa bawat proyekto.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/30/2019 11:01 AM
Arjo Atayde, pinasalamatan ang inang si Sylvia Sanchez


Iba’t-ibang roles ang halos magkakasabay na ginagampanan ngayon ni Arjo Atayde.

Mula sa telebisyon bilang si Elijah Sarmiento sa The General’s Daughter, hanggang sa IWant series na Bagman, ipinamalas ni Arjo ang kanyang husay sa pag-arte.

At ngayon, isang romantic comedy movie naman ng Regal Entertainment ang pagbibidahan ni Arjo kasama si Jessy Mendiola.

Kuwento ni Arjo, malaking adjustment ang kanyang ginagawa sa pabago-bagong format ng pelikula na kanyang ginagawa.

“It’s different genre kaya nanibago but yung mga scenes with Jessy really worked and direk Ice is a really good director. This is a new phase for me to show people na I can also make them fall in love this time,” kuwento ni Arjo sa panayam ng press.

Malaking tulong din sa kuwento ni Arjo ang kanyang nanay na si Sylvia Sanchez na nagbibigay pa ng puntos sa kanya.

“I’m very grateful. It’s a very big help with my mom. Nalaman ko ang pros and cons ng mga bagay bagay bago pa man ako pumasok sa isang eksena.”

Hoping si Arjo na tanggapin ng mga manunuod ang kanyang performance sa Stranded na mapapanuod simula ngayong April 10