• Home
  • Fresh Scoops
  • Heaven Peralejo, inaming nasaktan noon dahil kina Ylona Garcia at Markus Paterson

Heaven Peralejo, inaming nasaktan noon dahil kina Ylona Garcia at Markus Paterson

"Nag-sorry naman na po si Markus at kinausap na rin po ako ni Ylona," kwento ni Heaven Peralejo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/3/2019 11:52 AM
Heaven Peralejo, inaming nasaktan noon dahil kina Ylona Garcia at Markus Paterson


Photo credit to: @ylonagarcia (L) @heavenperalejo (M) @markus (R) IG

 

Nagpasalamat si Boy Abunda kay Heaven Peralejo dahil sa matapat na pagsagot ng aktres sa mga tanong nito para sa programang Tonight with Boy Abunda. Sa March 1 episode ng naturang talk show, inamin ng Familia Blondina actress na totoong niligawan siya noon ni Markus Paterson.

Ayon sa aktres, umabot ng tatlong buwan ang ligawan na nagsimula noong nagka-trabaho sila sa teleseryeng Sana Dalawa Ang Puso.

"Hindi lang po nagkaroon ng pagkakaintindihan," pahayag ni Heaven nang tanungin kung bakit hindi niya sinagot si Markus. 

 

 

Kasabay din na inamin ni Heaven na nalaman niyang magkasintahan na si Ylona Garcia at Markus Paterson ilang linggo matapos ang pangliligaw sa kanya ng aktor.

"Sama-sama po kami po kami sa set ng Sana Dalawa ang Puso. 'Nung mga first few months, yun po yung nililigawan po ako ni Markus, ganyan. Tapos, so, hindi na nga po (natuloy). After few weeks parang nalaman ko na," pahayag ni Ylona na nilinaw at kinumpirma ni Tito Boy na naging si Ylona at Markus nga.

"Pagdating namin sa set ng Sana Dalawa ang Puso, parang naging iba, Tito Boy, nagkaroon po ng ilangan."

"Kasi parang ilang weeks pa lang (ang nakakalipas).... Pero wala po kasi akong kaalam-alam," paliwanag ni Heaven na sinabing dahil dito kaya niya nagawang i-unfollow noon sa Instagram sina Ylona at Markus.

Hindi man kumpiramdo pa kung hanggang ngayon ay opisyal pa rin ang relasyon nina Ylona at Markus, nilinaw naman ni Heaven na maayos na sa ngayon ang pagkakaibigan nilang tatlo.

"Nag-sorry naman na po si Markus at kinausap na rin po ako ni Ylona na, ganun na nga," pahayag ni Heaven. 

Sa parehong interview din ay nilinaw ni Heaven na hindi totoo ang usap-usapang nanliligaw sa kanya ngayon ang anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel. 

Panuroing ang interview dito: 

Patuloy na mapapanuod si Heaven sa Wansapanataym Presents: CUTEpido, habang ang bago niyang pelikula naman na Familia Blondina ay palabas pa rin sa mga sinehan.