Former Mrs. Universe successful restaurant owner na ngayon

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/3/2019 11:31 AM
Former Mrs. Universe successful restaurant owner na ngayon


Photo credit to: @jessiemaloles IG

 

Tagumpay ang tinatamasa ng former Mrs. Universe Asia International na si Jessy Maloles na isa na ngayong restaurant owner.

Sa naganap na opening ng kanyang Spanish-Japanese fusion restaurant na Blessed Amare sa isang hotel sa Macapagal Boulevard sa Pasay City, masayang ikinuwento ng former beauty queen ang naging susi sa kanyang tagumpay.

Hindi lang dapat puro pa-beauty lang, dapat gamitin din ang sipag so nagtayo kami ng restaurant. Kasi ang tao talaga ito ang isa sa mga basic need, ang pagkain,” sabi pa niya sa opening ng kanyang bagong business.

Ayon pa sa beauty queen turned business woman, maihahalintulad niya sa laban my beauty pageant ang pag-manage ng negosyo.

Siyempre parang kampante ka na makipag-usap sa mga guest at costumers mo, parang mayroon kang confidence andoon lagi yun siyempre,” kuwento pa ni Jessy.

At kahit na malayo na sa larangan ng beauty pageant na ngayon, hindi niya itinanggi na paminsan-minsan ay tumatanggap pa din siya ng mga trabaho na malapit sa kanyang puso.

Oo pamimsan minsan, palagi ko pa din na namimis is to ramp, tulad ng mga pagkakataon na binibigay sa atin ng ating mga kaibigan na fashion designer.

Dahil minsan nang napatunayan ang kanyang sarili sa larangan ng pageant, nagbigay payo din siya sa mga aspiring moms na nag nanais maging kinatawan ng bansa sa Mrs. Universe.

Sa lahat ng mga beauty queen moms, ‘wag lang natin gamitin ang beauty natin, gamitin din natin sa ibang bagay tulad ng business para mayroon din tayong kahihinatnan pagkatapos ng ating laban,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, plano pang i-expand ni Jessy ang kanyang negosyo sa ibat ibang sulok ng Pilipinas.