Catriona Gray at Pia Wurtzbach, magkikita sa Indonesia?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/3/2019 11:25 AM
Catriona Gray at Pia Wurtzbach, magkikita sa Indonesia?


Photo credit to: @piawurtzbach IG

 

Matapos ang matagumpay na homecoming celebration ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa Pilipinas, biyaheng Indonesia naman si Cat at Miss Universe Organization para sa grand coronation night ng 2019 Puteri Indonesia.

 

 

 

 

Ang Puteri Indonesia ay ang National pageant ng Indonesia na maihahalintulad sa Binibining Pilipinas.

Sa darating na March 8, muling kokoranahan ang bagong mga beauty title holders ng Indonesia kung saan inaasahan ang pagkikita kita ng present queens at former queens ng iba’t-ibang beauty pageant.

Bukod kay 2018 Miss Universe Catriona Gray, ilan din sa inaasahan na darating sa Indonesia ay sina reigning Miss International Mariem Velazco ng Venezuela at reigning Miss Supranational Valeria Vazquez ng Puerto Rico.

 

 

 

 

Reunion of former queens din ang Puteri Indonesia kung saan inaasahan ang pagdating nina 2017 Miss Supranational Jenny Kim ng Korea at 2017 Miss International Kevin Lilliana ng Indonesia.

 

 

 

 

Samantala, maugong din na pinag-usapan ang pagdalo sana ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa coronation night ng Puteri Indonesia,  pero agad nilinaw ng Indonesian pageant organization na hindi matutuloy ang nakatakda sana na pagbisita ng 2015 Miss Universe dahil sa hectic na schedule nito.