• Home
  • Fresh Scoops
  • Keempee De Leon, naging ex-GF din sina Ara Mina, G. Toengi, Jessa Zaragosa, at Ina Raymundo

Keempee De Leon, naging ex-GF din sina Ara Mina, G. Toengi, Jessa Zaragosa, at Ina Raymundo

Aside from Carmina Villaroel and Vina Morales, Keempee De Leon’s ex-girlfriends included Ara Mina, G. Toengi, Jessa Zaragosa, and Ina Raymundo.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

3/29/2019 9:25 AM
Keempee De Leon, naging ex-GF din sina Ara Mina, G. Toengi, Jessa Zaragosa, at Ina Raymundo


Sa unang guesting niya sa Tonight with Boy Abunda, nagbalik-tanaw si Keempee De Leon sa mga naging past girlfriends niya.

Nilinaw ni Keempee na hindi naging sila ni Ana Roces pero related diumano ang kuwento ni Ana kay Carmina Villaroel, na naging girlfriend ni Keempee for two years. “Naging leading lady ko siya (Ana) sa movie, and then that time kami ni Carmina. Sabi lang ng director leading man ka, kailangan alagaan mo ang leading lady mo. So ako naman po masunurin, nagpabili ako ng ganito every shooting… nilalagyan ko siya ng lampin. Nakarating kay Carmina, so nag-away kami.”

Kuwento pa ni Keempee tungkol sa kanila ni Carmina, “During Palibhasa (Lalake) days dumadalaw ako sa kanya.” Hanggang sa sinabi daw ng director noon na si Mr. M (Johnny Manahan) na, “’Bakit hindi na lang i-guest ‘to, lagi naman nandito tuwing linggo.’ Naging semi-regular din ako ng Palibhasa, then they gave me a character Kimpoy na mamboboso.”

Naging girlfriend din ni Kempee si Manilyn Reynes at tumagal ang relationship nila ng four months. Sila naman ni Vina Morales ay tumagal ng one and a half year; habang sila naman ni Ara Mina ay four months lang din. Ayon kay Keempee, “Lahat po ng ito nangyari sa That’s Entertainment talaga e.”

Ilan pa sa mga pinangalanan ni Kempee na past girlfriends niya ay sina G. Toengi, Jessa Zaragosa, at Ina Raymundo.

Dagdag pa ni Keempee sa revelation niya, “Very open naman ako dyan and lahat po kaibigan ko until now.”

Sa lahat daw ng naging girlfriend niya si Carmina yung inisip niyang pakasalan at naghiwalay daw sila ni Carmina dahil ayon kay Keempee, “Kasalanan ko rin Tito Boy.” Mensahe pa niya kay Carmina, “Sorry Mins.”